I-FLEX
ni Jun Nardo
PANGUNGUNAHAN ni Dr Carl Balita ang fund raising concert na Padayon Pilipinas na layuning makalikom ng pondo para tulungann ang mga biktima ng lindol sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Katuwang niya sa concert sina Isay Alvarez at Vehnee Saturno na mahigit 23 artists ang pumayag maging bahagi ng concert na gaganapin sa October 28. 2025 sa Father Peter Yang SVDn Hall, St. Jude Catholic School. Managed ng Dr. Carl Balita Foundation ang project.
Ilan sa magiging bahagi ng mabuting layunin sina Alakim, Alyna Velasquez, Bayang Barrios, Richard Reynoso, Chad Borja, Dulcer at marami pang iba.
Sina Dr. Carl at Vehnee ang naglunsad din ng Tulong Taal noong 2020 na tinulungan ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal na nakalikom ng P1.4-M.
Mabuhay kayong lahat at suportahan ang Padayon Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com