Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Batang gymnast STY International Championships
SINA STY Gymnastics Center founder at head organizer coach Normita “Boots’ Ty (kanan) kasama ang 13-anyos na batang gymnast na si Aviell Caballes, tinalakay ang STY International Gymnastics Championships sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organizations in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Batang gymnasts tampok sa STY International Championships

MATUTUNGHAYANG muli ang gilas at galing ng mga batang gymnasts – homegrown at foreign club athletes – sa paglagra ng ika-10 season ng STY (Sonny Ty) International Gymnastics Championships sa Oktubre 17-19 sa Alonte Sports Center sa Binan, Laguna.

Ayon kay STY Gymnastics Center founder at head organizer coach Normita “Boots’ Ty mahigit 800 gymnasts mula sa anim na bansa – Indonesia, Singapore, India, Vietnam, Japan, Philippines – ang sasabak sa torneo na itinuturing pinakamalaking grasstoots development tournament sa bansa.

“Kung hindi sa naganap na sakuna ng lindol at yung mga nangyaring protesta nitong nakalipas na linggo mas maraming foreign athletes sana ang darating mula sa Dubai at HongKong. But still, ang STY championship pa rin ang pinakamalaking grassroots tournament dito sa atin dahil makikiisa rin yung mga club members natin mula sa Visayas at Mindanao,” pahayag ni Ty sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organizations in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Kasama ng dating national coach at volleyball varsity player ang 13-anyos na si Aviell Caballes na nagsimulang sumabak sa torneo sa edad na 5-anyos at sa kasalukuyang itinuturing most consistent medalist mula sa kampo ni coach Ty.

“Since nagsimula po ako sa gymnastics at the young age of 5, talagang nag-enjoy ako. Kailangan lang balance ang lahat training, studies and extra curricular activities para mamaintain yung winning form. Passion ko na po ito, hopefully makasama ako sa National team someday, makalaro sa SEA Games at tulad ni Carlos (Yulo) makaabot sa Olympics, “ayon sa Grade 8 student mula sa Muntinlupa National High School sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat, at Lila Premium Healthy Coffee.

“Yung Manalo ako ng medal ang focus ko kaya I trained hard, para ito na yung bayad ko sa sakripisyo ng mgaulang ko at coach na nagtitiyaga para sanayin ako,” ayon kay Caballes na nakatakda ring ulitin ang nakamit na apat na gintong medalya sa pagsabak sa Batag Pinoy sa Oktubre 25-31 sa Gen. Santos City

Iginiit ni coach Ty na dekalidad ang competition gamit sng mg world-standard equipment na unti-unti niyang binili mula sa naipong budget at tulong pinansiyal ng mg pribadong sponsors na nakipagtambalan sa kanyang gymnastics school sa nakalipas na 10 taon.

“Ang purpose po ng ating torneo ay matulungan ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na makapag-develop ng atleta sa grassroots level kaya naman po sinisiguro naming na well-trained ang ating mga technical officials at high-standard ang ating mga equipment. Masisiguro po natin sa ating mga atketa at  mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa kompetisyon,” pahayag ni Ty na hindi napigilan ang kalungkutan sa aniya’y walang pagbabago sa Sistema ng gymnastics competition sa Palarong Pambansa.

“Sa division level pa lang sinusubaybayan ko na ang kompetisyon ng Palarong Pambansa, walang pagbabago sa level ng mga officiald at sa ginagamit na equipment, paano natin madedevelop ang bata kung dito pa lang main-injury na dahil sa sub-standard equipment,” bulalas ni Ty.

Bunsod nito, nanawagan si Ty sa Department of Education (DepEd) na magsagawa ng reporma sa pagsasagawa ng gymnastics competition sa Palarong Pambansa.

“Sa din maidagdag na rin sa collegiate league tulad ng UAAP at NCAA ang gymnastics. Kung yung cheerleading nagawang maisama bakit hindi ang gymnastics. Olympic sports ito at napatunayan ni Carlos Yulo na angat tayong Pilipino sa buong mundo,” ayo kay Ty.

Ipinarating din ni Ty ang pasasalamat sa mga tagapagtaguyod ng torneo particular ang Binan City government sa pamumuno ni Mayor Angelo ‘Gel’ Alonte at Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

“With the valuable support of the Biñan Local Government, led by Mayor Angelo ‘Gel’ Alonte, we are pleased to collaborate with Biñan in advancing sports development and increasing exposure in the southern region,” aniya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …