Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez John Estrada Wais at Eng-eng

Kim mahusay kaya kinuhang leading lady ni John

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI inakala ni Kim Rodriguez na kay John Estrada manggagaling ang inisyatiba para isinama siya sa Puregold sitcom na Wais at Eng Eng bilang Cassy na  love interest ni Wais na ginagampanan ng aktor.

Kaya naman nagpapasalamat si Kim kay John, sa Puregold at sa mga tao sa likod ng sitcom.

Nakasama at nagka-eksena na sina Kim at John sa Batang Quiapo, bukod pa sa kaibigan si Ynah De Belen kaya naman komportable nang katrabaho ang award winning actor.

Hindi ko po ini-expect na manggagaling sa inyo ‘yun (John), thank you so much, siyempre thankful and honored po ako na naging part ako ng ‘Wais at Eng Eng family.”

Dagdag pa nito, “Gaya nga ng sabi nila parang hindi kami nagtatrabaho sa set, ‘yun ‘yung maganda kasi na ‘di mo nararamdaman ‘yung pressure, ‘yung hirap ng trabaho, para lang kaming pamilya talaga.

“And ‘yun kaya sobrang happy kami rin na kami-kami ‘yung magkakatrabaho.”

Natanong din ito kung anong pakiramdam katrabaho ang actor at mahusay na komedyante?

Kaya nga katulad ng sabi ko kanina sobrang thankful and grateful ako na naging parte po ako ng ‘Wais at Eng Eng,’ ang makatrabaho si Kuya John. Actually nakasama ko na si kuya John sa ‘Batang Quiapo,’ bago po ako nawala nagka-eksena kaming dalawa.

“Noong una sabi ko siyempre nakaka-intimidate, John Estrada ‘yun. Napapanood ko lang dati, pero kilala ko si Kuya John kasi friend ko si Yna De Belen (anak ni John), so medyo komportable na ako nang makatrabaho ko na si Kuya John.”  

Ayon pa kay Kim masaya katrabaho at parang pamilya lang sila sa set ng nina John at Long maging sina Jorel Ramirez, King Gutierrez, Leo Bruno, Isabella Ortega, Queenzy Sembrano, Relly Jose Jr., atZach Bederi.

Mapapanood tuwing Sabado ng 7:00 p.m. sa  Puregold Channel sa direksyon ni Ricky Victoria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …