DALAWANG ARAW na ipinatitigil ng Department of Education-National Capital Region (DepEd NCR) ang face-to-face classes mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila mula Lunes hanggang Martes, 13-14 Oktubre, dahil sa pagtaas ng bilang ng may mga estudyante at mga school staff na may malatrangkasong sakit.
Ayon sa DepEd, magsasagawa ang mga paaralan ng Alternative Delivery Modalities upang maiwasang magulo ang pagkatuto ng mga estudyante sa panahon ng suspensiyon.
Isa rin ang sunod-sunod na lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga dahilan ng suspensiyon ng face-to-face classes.
Sa loob ng dalawang araw, ipinag-utos sa mga paaralan na maglinis, mag-disinfect, at mag-inspeksiyon ng kanilang mga gusali at pasilidad.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com