Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Goitia Nartatez

Goitia kay Nartatez: Heneral na Nagpapakumbaba sa Harap ng Diyos

SA PANAHON ngayon, madalas sinusukat ang liderato sa ranggo o kapangyarihan. Pero si PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay bukod-tangi. Tahimik siya, may prinsipyo, at higit sa lahat, may pananampalataya.

Sa unang araw ng Novena Mass ng Nuestra Señora del Pilar de Manila sa Sta. Cruz Parish, Maynila, isang tagpong hindi malilimutan ang nasaksihan: si Chief Nartatez, isang heneral, lumuluhod sa harap ng altar — hindi bilang pinuno kundi bilang lingkod ng Diyos. Ang misa ay pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang simpleng kilos na iyon ay may malalim na kahulugan.

“Kapag ang isang makapangyarihan ay lumuluhod at nagpakumbaba sa harap ng Diyos, itinatanghal niya hindi lang ang sarili kundi ang buong institusyong kanyang kinakatawan,” ani Goitia. “Ipinapaalala ni Chief Nartatez na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa pananampalataya, hindi sa takot.”

Paniniwala at Pamumuno

Hindi lang basta seremonya ang pagdalo ni Chief Nartatez. Isa itong patunay ng kanyang pananalig. Sa loob ng serbisyo, palagi niyang pinapaalala na ang disiplina at pananampalataya ay dapat magkasama, dahil hindi lang utak at tapang ang kailangan sa paglilingkod kundi puso at gabay ng Diyos.

Ayon sa PNP, sinusuportahan ni Nartatez ang mga programang nagtataguyod ng pananampalataya at kabutihan, para mapatatag ang tiwala sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

“Ang pamumuno ay hindi lang trabaho ng isip at kamay,” sabi ni Goitia. “Ito ay tungkulin ng puso. Si Chief Nartatez ay namumuno nang may kababaang loob at tapang na manampalataya.”

Pinunong May Pananalig

Bilang pinakamataas na opisyal ng PNP, pasan ni Nartatez ang bigat ng tungkulin at responsibilidad. Pero sa likod ng uniporme at ranggo, isang taong may malalim na pananampalataya ang makikita — isang lider na alam kung saan nanggagaling ang kanyang katatagan.

Para kay Goitia, “ang pagluhod sa Diyos ay hindi tanda ng kahinaan kundi ng lakas.” Sa kababaang loob at sa pusong nagpapakumbaba, nakikita kung bakit epektibo ang kanyang pamumuno: may tapang, may malasakit, at may direksyon.

Pamumunong May Gabay ng Diyos

“Kapag pananampalataya ang gabay sa pamumuno, ang integridad ay nagiging likas,” ani Goitia. “Iyan ang nakikita natin kay Chief Nartatez — isang pinunong hindi lang tagapagpatupad ng batas kundi lingkod din ng Diyos.”

Ang imahe ng heneral na lumuluhod at nagpapakumbaba sa harap ng obispo ay paalala na walang ranggo o posisyon ang mas mataas kaysa sa Diyos.

Saad pani Goitia, “Ang pinunong may pananampalataya sa Diyos ay kailanman hindi papanig sa kasinungalingan o takot. Siya ay maglilingkod sa may tapang, integridad at para sa katotohanan.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …