MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang concert ng iconic Pinoy group na Flippers 3rd Gen, ang The Lady & The Gentlemen noong Martes sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Espesyal nilang panauhin ang Pinay International singer na si Jos Garcia gayundin si Carmela Betonio.
Nag-throwback ang mga nanood ng concert sa sikat na mga awitin ng Flippers na hanggang ngayon ay inaawit ng mga Pinoy, katulad ng Pangako, Sa Bawat Sandali, I’ll Face Tomorrow, at ang monster hit nilang kantang Hindi Ako Iiyak.
Sinabayan naman ng mga manonood ang si Jos sa biggest hit song nitong Ikaw ang Iibigin Ko at na in love naman ang lahat sa bago nitong awitin na isinulat ni Maestro Rey Valera, ang Iiwan na Kita.
Mahusay din ang naging performance nina Carmela, Jess Delfin, at Jinwen Sumanda.
Ang The Lady & The Gentlemen ay hatid ng Viva Cafe at sa pakikipagtulungan ng Wadab Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com