MATABIL
ni John Fontanilla
PANG-INTERNATIONAL ang dating ng sci-fi/ horror/thriller movie na The Marianas Web na idinirehe ni Marco Calvise, hatid ng Wellington Soong (PH), Ruben Soriquez (PH), at Marco (ITA).
Ang The Marianas Web ay pinagbibidahan nina Sahara Bernales, Alexa Ocampo, Ruben Maria Soriquez, Asia Galeotti. Lucca Biagini, at Andrea Dugoni.
Ang pelikula ay tungkol sa isang farmer na si Fosco na may tahimik na buhay sa isang Italian rural area, nang may isang misteryosang babae na nagtataglay ng unexpected gift at doon na nagsimula ang gulo sa buhay ng magsasaka.
Maganda ang pagkakagawa ng pelikula, mahuhusay ang mga artista at napakahusay ng pagkakasulat nito. Ang ilang eksena sa pelikula ay kuha sa Italy and partly in the Philippines.
Ang The Marianas Web ay isinulat nina Marco, Andrea Cavalletto at Ruben sa direksiyon din ni Marco at mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula Oct. 15, 2025.
Bukod sa Pilipinas ay mapapanood din ito sa Italy, USA, India, at iba pang bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com