Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DigiPlus players, puwede nang mag-cash-in sa 800 Bayad Center

DigiPlus players, puwede nang mag-cash-in sa 800 Bayad Center

SIMULA 8 Oktubre, mas pinadali at mas pinasiguro na ang pagpopondo ng account ng mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone dahil maaari nang

mag-cash in o magdeposito sa kahit saang 800 sangay ng Bayad na matatagpuan sa buong bansa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa ang DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), ang nangungunang digital entertainment provider sa bansa, at Bayad, ang isa sa pinagkakatiwalaang bills payment service provider sa Filipinas, para mabigyan ng mas maraming payment channel ang mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.

Pormal na nilagdaan ang kasunduan ngayong 8 Oktubre 2025, sa pangunguna ng mga opisyal mula sa magkatuwang na mga kompanya: DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco; AB Leisure Exponent Inc. President Jasper Vicencio; Bayad Chairman of the Board Ray C. Espinosa; at Bayad President and CEO Lawrence Y. Ferrer.

Sa ilalim ng partnership, maaari nang mag-over-the-counter (OTC) cash-in o deposito ang mga customer ng DigiPlus sa mahigit 800 sangay ng Bayad Center at mga Bayad Partner na matatagpuan sa mga mall, supermarket, at convenience store sa buong bansa.

Epektibo agad ang kasunduan, lalo’t DigiPlus lamang ang tanging gaming partner ng

Bayad para sa OTC cash transaction.

Ang Bayad ay accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang isang Electronic Money Issuer (EMI). Nakikipagtulungan lamang ang DigiPlus sa mga payment channel na akreditado ng BSP, alinsunod sa mga patakaran ng Philippine Amusement and

Gaming Corporation (PAGCOR), upang matiyak na ang lahat ng transaksiyon sa player wallet ay dumaraan sa ligtas at sumusunod na mga plataporma.

Sunod namang ilulunsad ang mga karagdagang serbisyo gaya ng cash-out o withdrawal at access sa pamamagitan ng Bayad App, para bigyan ang mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone ng mas marami pang paraan para matiyak na ang kanilang pondo ay ligtas.

“Sa DigiPlus, ang prayoridad namin ay maghatid ng masayang libangan habang tinitiyak ang ligtas at maaasahang serbisyo para sa aming mga manlalaro,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco. “Ang partnership na ito sa Bayad ay nagbibigay sa mga customer ng mas ligtas at mas maginhawang paraan ng pag-transact, na nagpapatibay sa aming pangakong proteksiyon para sa manlalaro at maaasahang

serbisyo.”

Ayon naman kay Bayad Chairman of the Board Ray Espinosa, “Isang makabuluhang hakbang ang aming hatid katuwang ang DigiPlus. Magkasama nating palalawakin ang access sa digital channels at maghahatid ng mga bago, kaaya-aya, at responsableng

paraan para ma-enjoy ng mga Filipino ang maginhawa at masayang libangan, sa tulong ng accessible at inclusive na financial services.”

Ang pakikipagtulungan sa Bayad payment channels ay dagdag sa lumalawak na customer service network at suporta ng DigiPlus para sa mga manlalaro kabilang na ang in-house 24/7 customer support, mahigit 130 pisikal na BingoPlus stores sa buong bansa, at surety bond para sa player wallets. Ang mga lumalawak na serbisyong ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng DigiPlus sa paghahatid ng digital entertainment

na ligtas, maaasahan, at abot-kaya para sa mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …