IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High Level Roundtable Talks of Climate Leaders’ na ginanap kamakailan sa Bangkok, Thailand na nahigitan pa ng Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa ‘renewable energy’ sa pamamagitan ng sarili nitong mga inisyatibo.
Si Salceda, na kauna-unahang Asianong “Co-chairman” ng United Nations Green Climate Fund (GCF), ay kinumbida sa naturang “Bangkok Climate Leaders Talks” na ginanap kasabay ng paglunsad ng “Bangkok Climate Action Week” nitong nakaraang Oktubre 1, kung saan binigyan niya rin ng diin na “dapat balikatin at punduhan ng mayayamang bansa ang paglipat ng mahihirap na bansa sa “renewable energy” mula sa ‘fossil fuels’ at karbon o uling.”
Ang dating mambabatas at gubernador ng Albay ay nagsisilbing’chairman’ ngayon ng ‘UN Institute for Risk and Strategic Studies, Inc.,’ isang institusyong naka-base sa Manila at nakatutok sa mga alituntuning pangkapaligiran.
Tinalakay ng ‘roundtable Talks’ sa Bangkok’ na pinamagatang “Leaders in the Asia-Pacific for Building Ambitious Climate Momentum Toward COP30” ang mahahalagang mga tema kasama ang malawakang partisipasiyong ng mga bansa sa “global transition to a low-carbon, climate-resilient future; Asia-Pacific’s role in global climate action; and how Legislatures can help accelerate ambitious Nationally Determined Contributions (NDCs)” sa ilalim ng Paris Agreement.
Naniniwala ang mga bumalangkas ng ‘Bangkok Roundtable Talks’ na dapat bilisan ng ASEAN ang ‘decarbonization’ nito habang isinusulong ang pagbawas sa hahirapan at pagtugon sa ‘climate change’ “dahil inaasahang tataas pa ang ‘energy demand’ ng kanilang rehiyon sa 60% pagsapit ng 2040.” Ayon kay Salceda ang mga bansang katulad ng Pilipinas ay higit na pinahihirapan ng ‘carbon emission’ na mula at patuloy na ginagawa ng mayayamang bansa.”
“Ang mga nakikinabang sa kung anong nagpapahirap sa atin ang dapat gumasta sa naturang ‘transition’” giit niya, at idinagdag na ang usapin sa papel ng Asia-Pacific sa ‘global climate action’ ay itinuring na sentro ng isyu dahil bilang ‘economically dynamic’ at may pinakamalaking populasyon sa rehiyon, ’hinaharap din nito ang pinakamatinding banta, kasabay ng pinakamalaking pagkakataon na pamunuan ang ‘global transition’ sa hinaharap na ‘low-carbon, climate-resilient future.”
Binigyang diin din ni Salceda ang karapatan ng umaasensong mga bansa na bigyan sila ng akmang ‘climate financing,’ at kilalanin na ang mga nawawala sa kanila na sentro ng tinatawag na ‘climate justice.’
Mula sa kanyang mga karanasan bilang gubernador ng Albay at co-chairman ng UN-GCF, sinabi ni Salceda na ang “’political will, institutional strength, and predictable climate finance’ ay dapat magtugma-tugma kung ang Asia-Pacific ang mangunguna sa ‘global transition toward a low-carbon and climate-resilient future.”
Bilang dating gubernador ng Albay, gumawa ng kasaysayan si Salceda nang ihalal siyang kauna-unhang Asianong ‘co-chairman’ ng GCF, kung saan pinamunuan niya ang ‘Initial Resource Mobilization’ nito noong 2014 na nakaipon ng USD10.3 bilyong mula sa 45 na bansa, pinakamalaking halagang ilak ng naturang pundo.
Patuloy ding ngayong International Adviser si Salceda ng Incheon, South Korea kung saan itinatag nila ang UN GCF ‘headquarters.’ Bilang dating mambabatas, siya rin ang bumalangkas sa Republic Act No. 12019 na isinabatas noong 2024, at nagbigay ng ‘juridical personality and legal capacity’ sa ‘Board of the Fund for Responding to Loss and Damage Due to Climate Change.’
Bilang gubernador naman ng Albay noong 2007 hanggang 2016, itinatag at pinalakas niya ang ‘Albay Public Safety and Emergency Management Office’ at naging ‘institutionalized’ ang ‘Zero Casualty doctrine,’ isang estrayehiyang tugon sa banta ng kalamidad, at naging ‘international model’ ang Albay sa ilalim ng ‘United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR).’
Kasunod nito, piunarangalan din si Salceda bilang UNISDR Senior Global Champion on Disaster Risk Reduction,’ ang tanging Pilipinong tumanggap ng gayong parabgal hanggan ngayon.
Ang inilunsad na ‘Bangkok Climate Action Week’ ay ang kauna-unahang sa Southeast Asia kung kailan nagtipon-tipon ang mga mambabatas, eksperto at iba pang mga lider para isulong ang mga kungkretong panukalang tugon sa ‘climate change’ at paghahanda sa COP30.
Ang COP30 ay ang ika-30 ‘United Nations Climate Change Conference of the Parties,’ na gaganapin sa Nobiyembre ngayon taon sa Belém, Brazil, kung saan magpapahayag ng higit matibay na mga pangako ang mga bansa sa ilalim ng Paris Agreement para masugid na isulong ang mga akmang hakbang kaugnay sa mga mahahalagang usapin, kaama ang ‘climate finance, adaptation, and loss and damages.’
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com