RATED R
ni Rommel Gonzales
EKSKLUSIBONG nakausap namin sa The New Music Box Powered By The Library (sa Timog sa Quezon City) ang negosyanteng si Josh Mojica sa launch ng partnership ng MCarsPH, isang car dealership na pag-aari ni Jed Manalang at ng Socia na online marketing app na pag-aari naman ng una.
Si Josh din ang may-ari ng pagawaan ng very successful ngayon na Kangkong Chips.
Nitong Agosto ay nag-viral si Josh, at ito ay may kinalaman sa isang post tungkol sa umano’y pagiging bilyonaryo niya.
Umani ito ng atensyon mula sa publiko, maging mula kay former Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na nagtanong tungkol dito.
Caption ni Guanzon sa kanyang FB post (published as is): “Akala ko ang youngest billionaire ay mayari ng mang inasal? Bat nagclclaim itong si kangkong?”
Hiningan namin ng reaksiyon si Josh tungkol dito.
“Again, I am doing my business diligently.
“So ito pong pagnenegosyo ko ay maayos and we comply. Iyon lang po ‘yung masasabi ko roon and regarding the BIR, again, we comply and they know it.”
So, nagbabayad siya ng tamang buwis?
“Yes, of course.”
Muling tanong namin kay Josh, bilyonaryo na ba talaga siya?
“Malapit na po. Hindi, joke lang. Ha! Ha! Ha. Hopefully po.”
Nakilala na ba niya ng personal si former Commissioner Guanzon?
“Hindi pa po, not yet. I haven’t met her yet.”
Kung sakalingmakakaharap niya ito, makakausap niya, ano ang sabihin niya rito?
“I’ll say ‘hi’ po.”
Kung sakali ba, handa siya na ipakita kanino man na magkukuwestiyon ang mga binabayaran niya sa tax?
“I don’t think that’s part of my ano, pero I’ll ask my attorney regarding that.”
Sabi niya naman na nagbubuwis siya diligently, tama ba?
“Yes po.”
Talamak ngayon ang tungkol sa mga pandaraya at corruption; si Josh daw ay nagsasabing isa siyang tapat na mamamayan pagdating sa tamang pagbabayad ng tax.
“Yes, of course.”
Nagkuwento naman si Josh tungkol sa Socia na bago niyang business venture.
Ito ba ay parang social media platform?
“No, it’s a software development company.”
Na ipo-promote ang MCarsPH?
“Yes po. We made a system for them. It’s an agent system, it’s an end-to-end agent system, accounting software.
“Buong structure po ng system ng MCarsPH, kami po ang gumawa, para po ma-digitalize, para ma-modernize, para magkaroon ng isang ecosystem sa MCarsPH and ‘yung pinaka-powerful part of the system is ‘yung agent platform in where makaka-order ang mga tao through online ng kotse.
“Makakapag-apply sila ng loan financing, makakabili sila ng kotse and of course, magkakaroon ng komisyon ‘yung mga agent kapag may nakakabenta.”
Ano pa business niya bukod sa Kangkong Chips at Socia?
“So far, ‘yun lang naman pong dalawa ngayon and more side hustles na buy-and-sell, reselling and MCarsPH also and more endorsements and promotions, iyon lang po.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com