MATABIL
ni John Fontanilla
PUNOMPUNO ang naganap na fan meet at concert ng tambalang MhaLyn na binubuo nina Mhack at Analeng sa Viva Cafe Araneta City, Cubao Quezon City noong September 30 at October 1 , 2025.
Halos nakatayo at walang maupuan ang iba, basta mapanood lang nilang mag- perform ang paborito nilang tambalan.
Halos hindi na nga marinig ang song number nina Mhack at Analeng sa lakas ng sigawan at hiyawan ng mga supporter ng mga ito.
Naging espesyal na panauhin ng Mhalyn ang grupo ni Mhack ang MagicVoyz, Sherwina & Jovan David, Miia Bella, Megan Marie, Karen Lopez, Margaret
Sison, Paula Santos, Julienne Richards, hosted by Vhize Caramel at Super Bheklai.
Sa rami ng nanood, tiyak magkakaroon ito ng part 3.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com