MATABIL
ni John Fontanilla
KILIG overload ang hatid ng tambalang Bea Binene at Wilbert Ross sa mediacon ng Viva Oneseries, Golden Scenery of Tomorrow na ginanap noong October 1 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Natanong si Ross kung girlfriend material ba si Bea ganoon din ang aktres, kung boyfriend material ang aktor?
Sagot ni Ross, “Yes, si Bea kasi sobrang maalaga, parang siya po sa amin kapag may biglang nangyari, para po siyang nanay (napahinto ito nang tiningnan siya si Bea at nagtawanan ang mga tao sa loob ng Viva Cafe kaya pinalawig pa nito ang sainabi). Ano ‘yung care kasi, nagki-care siya sa lahat, parang ganoon siya.
“And then masarap siya magluto, mahilig po kasi akong kumain, girlfriend material talaga siya.”
Wika naman ni Bea, “‘Pag isipan ko tita (pagbibiro nito). Hindi, opo naman ‘di ba maalaga. He takes care of you, he make sure your comfortable. Opo naman, boyfriend material si Ross.”
Natanong din sina Bea at Wilbert ukol sa status ng relasyon nila at differences nila.
“Ah we’re friends po, lalo na rito sa series. Wee got to know each other more and I think we still are. We still are getting to know each other,” ani Bea.
” Pero sa series na ito talagang we became closer po and, opposite ba tayo? (tanong nito kay Wilbert). Parang saks (sakto) lang, depende? Kasi he’s very into art, ako medyo maarte lang po ako.
“Tapos si Ross healthy lifestyle. Ako medyo, medyo lang po, mga ganoon. Pero I know there are things naman na nagkakasundo tayo, ‘di ba?” ( tanong ni Bea kayWilbert) na sinagot naman ng, “Oo.”
“May differences po kami. Tina-try po namin i-influence ‘yung isa’t isa, mga positive like, minsan ini-encourage kita (sabay tingin kay Bea) sa mga healthy things, lagi niya akong pinakakain sa set.
“Lagi siyang may pinatitikim na pagkain sa set. So, and okey naman po kami friends sabi niya? We’re friends (sabay tingin kay Bea).
“So ayon po okey naman po kami sa working relationship namin, magaan lang and I think kasi before may akwardness kasi wala po kaming chance. Kasi wala kaming scene sa other books. Wala rin kaming chance to know more about each other. Ngayon po medyo kilala na namin ‘yung isa’t isa.” pagbabahagi ni Wilbert.
Maraming rebelasyon ang mabubunyag sa Golden Scenery of Tomorrow tungkol sa buong barkada na dapat abangan at pakatutukan.
Makakasama nina Bea at Wilbert sa Golden Scenery of Tomorrow sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Jerome Ponce, Krissa Viaje, Nicole Omillo, Jairus Aquino, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Lance Carr, at Aubrey Caraan .
Mapapanood sa Viva One simula Oct. 18 ang Golden Scenery of Tomorrow sa direksiyon ni Victor Villanueva.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com