MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKAKAROON ng back to back concert ang Pinay international singer na si Jos Garcia at ang grupong Flippers 3rd Gen, ang The Lady & The Gentlemen sa October 7, 2025 sa Viva Cafe Cubao, Quezon City.
Ilan sa hit songs ng Flippers ang Sa Bawat Sandali, I’ll Face Tomorrow, Hindi Ako Iiyak atbp., samantalang monster hit naman ni Jos ang Ikaw ang Iibigin Ko, Tunay na Mahal, at Is This Love.
Espesyal na panauhin sa The Lady & The Gentlemen sina Carmela Betonio at Jess Delfin.
Kaabag-abang din ang production number ni Jos at ng Flippers 3rd Gen.
Ang The Lady & The Gentlemen ay hatid ng Viva Cafe at sa pakikipagtulungan ng Wadab Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com