ni John Fontanilla
PURING-PURI ni Gina Alajar si Alessandra de Rossi bilang director ng kanilang pelikulang Everyone Knows Every Juan ng Viva Films.
Ayon kay direk Gina sa mediacon ng Everyone Knows Every Juan, “Si Alex alam niya kung anong gusto niya. Hindi siya ‘yung director na maraming sinasabi, dahil may respeto siya sa mga artista na kasama niya na idinidirehe niya.
“But hindi siya natatakot sa artista kung anong gusto niya. Walang intimidatiom and it’s a happy set with her, dahil she’s a happy person.
“Walang dull moment sa kanya. Minsan magjo- join na lang siya sa usapan, wala siyang stop sa sasabihin niya. Sisingit lang siya roon sa usapan pero lahat napapatingin sa kanya, nagtatawanan para sa kanya.
“Masayahin siyang tao, but you know what. I directed Alessandra when she was 14 years old. Doon sa tv series na ‘Kirara’ kung natatandaan niya pa ‘yan.
“Pero ‘yung ibang influencers dito hindi niyo na natatandaan, please research, it’s in the internet.
“But anyway, doon ko siya unang naidirehe. Roon pa lang nasabi ko na, nag-usap na kami ni Amy (Austria), sabi ko, ‘magaling na bata ‘yan.’l
Masaya rin si direk Gina at nakasama siya sa pelikula.
“Masayang- masaya ako dahil kasama ako sa pelikulang ito. Hindi ko ini-expect na maaalala niya ako na isama sa pelikulang ito. Dahil alam ko sa daming nakatrabaho na niya ‘di ko alam kung saan numero ako sa puso niya.
“Nagulat na lang ako nang dumating sa akin ‘yung message na first choice ako. Tapos directed by Alessandra De Rossi, wala na, no questions ask and I’m so excited,” wika pa ng premyadong aktres.
Ibinahagi rin ni direk Gina ang kanyang pangalan at role sa pelikula.
“Ako ang pangalan ko sa pelikula, ako si Rosalinda Sevilla, kumandidato akong konsehal sa aming lugar at ang number ko ay otso-otso,” kuwento ni Gina.
Ang Everyone Knows Every Juan ay tungkol sa isang pamilya na nagkita-kita nang mamatay ang kanilang ina para pag-usapan ang hatian ng mana.
Bukod sa magandang istorya at mahusay na pagkakadirehe ni Alessandra ng pelikula at mahuhusay na artista ay may kapupulutang aral dito.
Makakasama ni direk Gina sa pelikula sina Edu Manzano, Joel Torre, Alessandra De Rossi, JM De Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani and Kelvin Miranda. Showing in cinemas nationwide on Oct. 22 hatid ng Viva Films.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com