NASA bansa ngayon ang winner ng Christian Duff Calendar Model Season 5 at 2025 King of the World Philippines-FilCom KSA na si Jan Evan Gaupo.
Ilang linggong mamamalagi sa bansa si Jan Evan para magbakasyon at bisitahin ang kanyang lola at mag-guest sa iba’t ibang radio at tv show.
“Until 2nd week po ako ng October sa Pilipinas para magbakasyon at pasyalan na rin lola ko.
“At may mga gagawin din akong radio at tv guestong habang nasa Pilipinas bilang 2025 King Of The World Philippines – FilCom KSA.”
Sa 2026 ay babalik muli ng Pilipinas si Evan Jan para irep-present ang Filipino Community ng KSA sa coronation night ng King Of the World Philippines.
Nag sisimula nang mag-training si Evan Jan bilang paghahanda sa Coronation Night ng King Of the World Philippines sa susunod na taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com