MATABIL
ni John Fontanilla
MAY bagong negosyo si Kathryn Bernardo, ang Empolo, isang fashion sanitary ware brand sa Greenhills, San Juan City.
Dumalo sa pasinaya si San Juan Mayor Francis Zamora.
Nag-post ang mayor ng San Juan sa kanyang Facebook ng litratong magkasama sila ni Kathryn na may caprion na, “It was good to see our dear friend Kathryn Bernardo at the opening of their Empolo MNL branch here in Greenhills, San Juan! Thank you very much for investing in our City!”
Ang German brand ay nag-o-offer ng full range bathroom solutions, mula faucets at showers hangang bathtubs, vanities, mirrors, at accessories.
Masinop talaga ang aktres at alam niya kung saan ilalagay ang mga kinikita sa pag-aartista na dapat tularan ng ibang kabataang artista, bilang paghahanda sa kanilang future.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com