Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miggs Cuaderno

Miggs mananakot sa Paramdam

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang dating child star na si Miggs Cuaderno, huh! 

Sa katatapos na 3rd Gawad Dangal Filipino Awards, na ginanap noong Friday ng gabi, ay pinarangalan siya bilang Most Inspiring Young Actor of the Year. Bukod pa rito, binigyan din siya ng special award na Male Star of the Night. 

In fairness, deserved ni Miggs ang award. Napakagwapo naman kasi niya ng gabing ‘yun. 

Sa dalawang award na napanalunan ni Miggs, siyempre pa, proud na proud sa kanya ang kanyang mommy Judy.

Samantala, may natapos gawing horror film si Miggs, ang Paramdam. Kasama niya rito ang magdyowa na sina Jane  Oineza at RK Bagatsing.

Hopefully this year maipalabas po ‘yung movie directed by Joey Reyes. Hindi siya ‘yung traditional jump scare horror. Parang ano kasi siya, may nagpaparamdam sa bahay. ‘Yun lang po ang kaya kong i-spoil,” sabi ni Miggs.

Bukod sa pelikula, mapapanood din ang bagets sa isang mini series titled Type Kong Ramen mula sa NDM Studios at idinirehe ni Nijel de Mesa.

Soon mapapanood na po ‘yun sa Netflix.”

Sa Type Kong Ramen, gumaganap si Miggs bilang isang theater actor. Nagpanggap siya bilang isang waiter para mapaglingkuran niya ang crush niya.

Nakapanayam namin si Miggs nang mag-guest siya sa online talk show namin na Marisol Academy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …