Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte ICC
Duterte ICC

Sa The Hague, Netherlands
3 BILANG NG CRIMES AGAINST HUMANITY VS DIGONG INIHAIN NG ICC PROSECUTORS

HATAW News Team

SINAMPAHAN ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong bilang ng kasong crimes against humanity, dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa 76 insidente ng pamamaslang na bahagi ng kaniyang “war on drugs”.

May petsang 4 Hulyo, isinapubliko ang ‘heavily redacted charge sheet’ nitong Lunes, 22 Setyembre, kung saan inilatag ang mga akusasyon laban sa 80-anyos dating pangulo at kasalukuang nasa kustodiya ng ICC, sa The Hague, Netherlands.

Nakasaad sa unang kaso ng crimes against humanity ang pagkakasangkot ni Duterte bilang co-perpetrator sa 19 insidente ng pamamaslang  mula 2013 hanggang 2016 noong siya ay alkalde pa ng lungsod ng Davao.

Habang nakasaad sa ikalawang kaso ang 14 insidente ng pamamaslang sa mga nakatalang “High Value Targets” mula 2016 hanggang 2017 noong siya ay pangulo ng Filipinas.

Samantala, nakatala sa ikatlong kaso ang 43 insidente ng pamamaslang na isinagawa sa gitna ng mga “clearance” operation ng mga mas mabababang antas ng mga drug user at mga tulak mula 2016 hanggang 2018.

Ayon sa ICC prosecutors, higit na mas malaki ang bilang ng mga biktima sa nakatalang panahon sa mga kaso dahil sa lawak na inabot ng mga insidente ng pamamaslang.

Anila, kabilang ang libo-libong insidente ng pamamaslang na isinagawa sa nakasaad na panahon sa mga isinampang kaso.

Matatandaag nag-ugat ang mga kasong isinampa laban kay Duterte sa kaniyang ilang taong kampanya laban sa mga gumagamit at nangangalakal ng ilegal na droga na ayon sa mga grupong nakikipaglaban para sa mga karapatang pantao, kumitil sa libo-libong buhay.

Nasa warrant of arrest na isinilbi kay Duterte noong 7 Marso ang isang kasong ‘crimes against humanity’ kaugnay sa 43 insidente ng pamamaslang.

Inilabas ng mga prosecutor ang iba pang mga kaso isang araw bago ang nakatakdang pagharap ni Duterte sa ICC upang dinggin ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Matatandaang ipinagpaliban ang pag-upo ni Duterte sa harap ng ICC dahil sa pagtimbang ng hukuman kung angkop ang kaniyang estado ng kalusugan upang dinggin ang mga kaso.

Ayon sa kaniyang abogadong si Nicholas Kaufman, hindi kayang dumalo sa paglilitis ni Duterte dahil sa kaniyang “cognitive impairment in multiple domains”.

Hiniling ni Kaufman sa ICC na ipagpaliban ang paglilitis laban kay Duterte.

Dinakip si Duterte sa Maynila noong 11 Marso, dinala sa Netherlands at inilagay sa kustodiya ng detention unit ng ICC sa Scheveningen Prison. (Detalye mula sa mga foreign media outlet kabilang ang SCMP)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …