Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk JP Lopez,  Mark David Derayunan from PH Entertainment.

Ilang beses na nga naming napanood ang One Verse at may ibubuga ang mga ito pagdating  sa kantahan at sayawan. Maganda ang timbre ng kanilang boses at mahusay sumayaw plus factor pa na guwapo ang lahat ng miyembro nito. 

Ang One Verse ay kinabibilangan nina Mr Pogi  Ero, Aubrey, Cassy, Thirdy, Marcky, Amiel, Franz.

Pero among the group maganda ang PR ni Thirdy, laging nakangiti at palabati, kaya naman madali namin itong natandaan.

Nakapagperform na ang grupo sa 73rd FAMAS Awards at 37th Star Awards for Movies, at last Sept. 19 ay pinarangalan silang most promising boy group of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2025.

May two songs na rin  ang grupo, ang Ako Dapat at ang bagong release na “Ako’y Sayo .

Ang dalawang kanta ay available na sa lahat ng Digital Platform at sa Youtube.

Sinabi nga ng grupo na wala silang intensiyong makipag-kompitensiya sa kanino mang P-Pop group, dahil pare-pareho silang nangangarap na sumikat at makilala rin sa Pilipinas, pati sa ibang bansa.

Idolo at inspiration nila ang tinaguriang Philippine King of PPop, ang SB 19 na ‘di lang sumikat sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …