“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!”
Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa mula Katedral ng Malolos hanggang sa Mini Forest Children’s Park, sa loob ng Bulacan Provincial Capitol compound, nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta laban sa korupsiyon.
Matatandaang naging maingay ang pagpapahayag ng paglaban kontra sa karupsiyon matapos maging focus ang lalawigan ng Bulacan sa mga maanomalyang flood control projects sa Calumpit, Hagonoy, Baliuag, Malolos, San Jose del Monte, at Sta. Maria.
Pinaniniwalaang sangkot sa mga naiulat na substandard at “ghost” flood control project sa lalawigan ang ilang mga contractor, kasalukuyan at dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pang kawani ng pamahalaan.
Nagpahayag ng matinding galit ang mga nagpoprotesta dahil sa mga anomalya habang naghahandang lumahok sa pambansang kilos protesta laban sa katiwalian, na kasabay ng paggunita sa deklarasyon ng batas militar noong 1972 sa ilalim ng rehimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com