Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal na sinabing sangkot sa mararahas na aksiyon sa ginanap na mga kilos protesta laban sa korupsiyon nitong Linggo, 21 Setyembre, sa lungsod ng Maynila.

Iniulat ni MPD chief P/BGen. Arnold Abad kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na naging marahas ang mga nakamaskarang demonstrador sa Luneta Park, Ayala Bridge, at Chino Roces Bridge sa Mendiola.

Ayon sa ulat, pinagsisipa, itinulak, hinagisan ng mga bato, barikada, bote, at mabahong likidong may halong pintura, ang mga pulis.

Sa 72 nadakip, 51 sa kanila ang dinampot sa Ayala Bridge, kabilang ang dalawang menor de edad na inilipat sa Reception and Action Center (RAC) ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), at 11 pang menor de edad na sumasailalim sa pagsusuri.

Nauwi sa kaguluhan ang protesta nang atakehin ng mga demonstrador ang ilang mga establisimiyento.

Naaresto ang 21 iba pa sa Mendiola kabilang ang pitong menor de edad.

Ayon kay Abad, nananatili ang 70 idibiduwal na nadakip sa kustodiya ng MPD sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) at sa Women and Children Protection Section (WCPS) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso tulad ng malicious mischief, paglabag sa Anti-Barricade Act, at iba pang kaugnay na reklamo.

Dagdag niya, katuwang ang MDSW sa pagpoproseso sa mga menor de edad upang matiyak na mabibigyan sila ng kaukulang atensiyon.

Ayon sa hepe ng MPD, sinira ng mga demonstrador ang ilang ari-arian ng gobyerno at ginamit ang mga debris upang makapanakit.

Iniulat rin na ilang indibiduwal ang nagsunog ng isang ten-wheeler trailer truck at isang nakaparadang motorsiklo sa panulukan ng Ayala Boulevard at Romualdez Street.

Ayon sa pulisya, may mga nagprotesta sa Mendiola na naghagis ng mga Molotov bombs kung saan 39 pulis ang nasugatan at nasaktan.

Dahil sa sa sunog, kinailangan ang koordinasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang matiyak ang kaligtasan sa lugar.

Mula rito, lumipat ang mga nagpoprotesta sa Mendiola, kung saan naghagis sila ng mga debris at mga Molotov bomb, nasusunog na placard at tarpaulin, at nanira ng mga ari-arian ng gobyerno.

Agad binigyan ng pang-unang lunas ang mga nasugatan sa insidente.

Ani Abad, maaaring may mga madampot pa sa mga indibiduwal na nanira ng isang hotel sa Recto at nagsimula ng sunog.

Sa kabila ng mga pag-aresto, sinabi ng PNP na ‘generally peaceful’ ang isinagawang mga anti-corruption rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Naitala ng PNP dakong 6:30 ng gabi ang kabuuang 61,605 indibiduwal na lumahok sa mga kilos protesta — 33,720 sa Metro Manila at 27,885 mula sa ibang mga rehiyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …