Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang korupsiyon sa bansa ang mga kilalang artista na pinangunahan nina Vice Ganda  at Dingdong Dantes  sa People Power Monument sa Quezon City at sa Ayala Avenue, Makati City.

Nagmartsa habang isinisigaw ang kanilang panawagan sina Vice Ganda kasama  sina Elijah Canlas,  Anne Curtis, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Jasmine Curtis,   Angel Aquino, Donny Pangilinan, Darren Espanto, at ang cast ng “Bar Boys: The Musical”.

Ipinanawagan ng mga lumahok mula sa entertainment sector na papanagutin  at ikulong ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pagnanakaw ng pondo.

“Run against corruption” ang ginamit na porma ng protest ani Dingdong kasama ang media personality na si Kim Atienza kahapon.

Lumahok ang mga kasamahang celebrities na sina Benjamin Alves, Faith Da Silva, Dasuri Choi, Kim Molina, at Jerald Napoles, at iba pa na pawang nakasuot ng itim na tank tops, na may mga nakaimprentang “I Dream Of A Corrupt-Free Philippines”, “End Corruption Now” at iba pa.

“Not our usual Sunday run. Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention,” ani Dingdong sa isinulat na caption.

“We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well,” dagdag ni Dingdong.

Aniya, sa pamamagitan ng kanilang pagtakbo ay naihayag nila ang mga hinaing ng bayan at pag-asa para sa bansa.

Ilang mga residente ng Makati na karamihan ay maituturing na middle class at mga parishioner ang nag-alay ng panalangin sa pagsasagawa ng programa sa southbound lane ng EDSA at Buendia.

Sa “Baha sa Luneta” protest, nakita ang aktres na si Jodi Sta. Maria at nagsabing  “…hindi na natin ‘to puwedeng palagpasin…Change has to happen.”

Namataan din ang aktres na si Andrea Brillantes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …