BILANG paggunita sa International Coastal Cleanup Day, ang SM City Baliwag, sa pakikipagtulungan ng mga ahensya at institusyon ng gobyerno, ay lumahok sa isang cleanup drive sa kahabaan ng Angat River trench na matatagpuan sa pagitan ng Barangay Tibag at Barangay Poblacion, Baliwag City sa Bulacan.
Inorganisa ng Natural Resources. Office (CENRO), ang aktibidad ay naglalayong pataasin ang kamalayan sa kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura at ang papel ng komunidad sa pangangalaga at pag-iingat ng mga wetland areas.
Kasama ang mga boluntaryo mula sa SM City Baliwag, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) at NU Baliwag ay nagbunga ng makabuluhang resulta na kinolekta ng mga nasabing grupo ang pinakakaraniwang uri ng basurang makikita sa mga anyong tubig, tulad ng upos ng sigarilyo, food wrappers, take-out container, metal at plastic bottle caps, fishing nets, diaper, at mga bote ng inumin.
Ang mga basurang nakolekta sa katatapos na kaganapan ay itatapon sa tamang mga pasilidad at mga channel.
Bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pangangalaga sa kapaligiran, ang SM Supermalls ay nakikilahok sa mga regular na paglilinis sa buong taon at nagsasagawa ng mga hakbangin tulad ng water recycling program sa lahat ng SM Malls, ang Trash to Cash Recycling Market, at solar rooftops sa paggamit ng malinis na enerhiya; ang Green Film Festival ay nagtatampok ng mga dokumentaryo tungkol sa biodiversity, pagbabago ng klima, at solidong basura, na iniaalok nang libre sa mga mag-aaral sa high school. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com