Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DigiPlus PhilFirst

DigiPlus at PhilFirst inilunsad surety bond proteksiyon ng mga online gamer

ni Maricris Valdez

HINDI na kakaba-kaba ngayon ang mga manlalaro ng online gaming na mawawala ang kanilang pera dahil protektado na sila mula sa mga scammer at hacker.

Inilunsad na kasi ng DigiPlus Interactive Corp.,  premier digital entertainment company sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, at ng Philippine First Insurance Company (PhilFirst), ang unang domestic insurance company sa bansa, ang kauna-unahang surety bond program sa Pilipinas na magsisilbing karagdagang seguridad at kaligtasan sa mga online gaming player.

Kaya kung ikaw ay casual gamero isang loyal fan, tuloy-tuloy lang ang saya sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone dahil hindi ka na matatakot o mangangamba na ang wallet at pondo sa app ay mawawala dahil protektado ka na ng surety bond.

Umaabot hanggang sa ₱1-M kada manlalaro ang sakop ng surety bond na walang karagdagang gastos sa mga player.

Libre at magagamit agad ang surety bond mula sa DigiPlus at PhilFirst  sa oras na mag-log in at maging verified ang electronic Know-Your-Customer (eKYC) registration ng isang player. Kailangan lang tiyakin na updated ang impormasyon at sumusunod ayon sa pamantayan ng platform para maging eligible player.

Ipinagmamalaki namin na una ang DigiPlus pagdating sa pagbibigay ng ganitong antas ng proteksiyon para sa konsyumer,” ani DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco. “Kami ay committed na unahin ang kapakanan ng aming mga player. At sa surety bond, mas mae-enjoy ang paglalaro sa BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone, dahil alam mong protektado ang inyong pondo,” dagdag pa.

Mas pinatibay ng bagong surety bond program ang commitment ng DigiPlus sa paghahatid ng maaasahang customer service at proteksiyon sa mga player, dagdag pa sa sa 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus physical store sa buong bansa na convenient at pinagkakatiwalaan ng mga manlalaro.

Sa paglulunsad ng surety bond program, patuloy na itinataas ng DigiPlus ang pamantayan ng gaming industry, hindi lamang sa paghahatid ng exciting at makabagong games, kundi lalo na sa pagpapalakas ng tiwala, proteksyon, at kapanatagan ng mga customer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …