Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ICI Independent Commission for Infrastructure

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nabunyag na multi-billion ‘guni-guni’ flood control projects.

Sa isinagawang non-commissioned survey ng Bureau of Research and Youth Analysis Group, lumitaw na halos 68% ng mga respondents ay nakasuporta sa pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para busisiin ang maanomalyang flood control projects.

Nasa 28% lang ang nagsabing hayaan ang Senado at Kongreso na mag-imbestiga samantala 4% lang ang pumayag na kahit sino sa mga institusyong ito ang magsagawa ng pagbusisi sa isyu.

Sa face-to-face survey sa 1,200 respondents, nagpahayag din ang mga tinanong  ng mataas na kompiyansa sa mga hinirang ni President Marcos na bumuo ng komisyon ngunit si Baguio City Mayor Benjie Magalong ang higit na kati-katiwala sa mga itinalaga.

Kailan lang ay inihayag na ng Malacañang ang komposisyon ng ICI na kinabibilangan nina  former Public Works secretary Rogelio Babes Singson, former Justice Andres Reyes, Jr.;  SGV managing partner Rossana Fajardo at Magalong.

Ayon sa mga natanong, mas makabubuti para sa bayan ang pagtutok ng isang investigative body gaya ng ICI kaysa pumasok pa ang Senado at Kongreso upang hindi na mahaluan ng politika ang proseso.

Naniniwala rin ang mga respondents na magiging bias ang kahit anong resultang ilalabas ng Senado at kongreso dahil may mga miyembro ng dalawang kapulungan ang nababangit sa isyu ng pagkuha ng komisyon sa mga guni-guni at sub-standard flood control projects.

Kompiyansa ang mga natanong sa Luzon, Visayas at Mindanao na maipapakulong ng komisyon ang mga totoong kasangkot sa maanomalyang flood control projects na naging sanhi ng pagbabaha sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa Metro Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …