Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Neocolours

InnerVoices/Neocolours dinagsa back2back show sa Noctos

MATABIL
ni John Fontanilla

SRO ang katatapos na back to back show ng Innervoices at Neocolours sa Noctos Music Bar sa Scout Tuazon, Quezon City noong September 6.

Iba talaga ang hatak ng InnerVoices sa mga tao plus may Neocolours na may hatak din sa masa dahil sa kanilang hit songs.

Katulad ng kanilang mga nakalipas na shows nag-enjoy nang husto sa kanilang mga awitin ang mga tao sa loob ng Noctus Music Bar. Kinanta nila ang Meant to Be, Take This Love, Behemian Rhapsody, Wild Flower, Broken Wings, Idlip, Saksi ang Mga Tala, Sa Ilalim ng Buwan atbp..

Ang InnerVoices ay binubuo ng band vocalist nitong si Patrick Marcelino, kasama ang founder at keyboardist na si Atty. Rey Bergado  gayundinsina Rene Tecson sa guitar, Alvin Herbon sa bass, Joseph Cruz sa keyboard, at Joseph Esparago sa percussion.

Inawit naman ng Neocolours sa pangunguna ng band vocalist nitong si Ito Rapadas ang kanilang mga original hit song na Say You’ll Never Go, Hold On, Tuloy Pa Rin.

At sa Sept. 12 ay nasa Aromata Quezon City ang InnerVoices at sa Sept. 19 ay babalik sila sa Noctos Music Bar kasama ang Apo Hiking Society.

Bukod sa Noctos Music Bar, regular ding tumutugtog ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas), Aromata Quezon City, at Hard Rock Café sa Glorietta, Ayala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …