MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKAKAROON ng book launching si Joel Cruz sa September 12, Friday, 5:00 p.m. sa Vibal Publishing pavilion Hall 2 ng SMX Convention Center.
Ang librong ilulunsad ay malaking tulong sa mga taong gustong magnegosyo, ito ay ang Business 101 What Worked for Me.
Tamang-tama ang libro sa mga mag-uumpisang o mayroon nang negosyo. Kaya sa mga interesado, halina’t makiisa sa paglulunsad ng libro.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com