QUEZON CITY — Iginiit ni Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, na kinakailangang dagdagan ang suporta ng gobyerno sa mga jeepney drivers na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Sa isang pagdinig sa Kongreso, binigyang-diin niya ang mataas na halaga ng mga bagong yunit ay nagpapahirap at nagbabaon sa utang sa libo-libong tsuper.
“At ₱2 million per jeep, our drivers are being pushed deep into debt.
Modernization should not come at the cost of our jeepney drivers’ suffering. Modernization should uplift them, not leave them behind.”
(“Sa presyong ₱2 milyon kada jeep, baon sa pagkakautang ang ating mga jeepney drivers. Hindi puwede na itulak natin ang modernisasyon kapalit ng pagdurusa ng ating mga tsuper. Ang modernisasyon dapat ay nag-aangat sa kanila, hindi nag-iiwan.”)
Ipinunto ng mambabatas ang kanyang inihain na House Bill 1191, na naglalayong magbigay ng hanggang 90% subsidy para sa pagbili ng modernong jeepneys.
Ayon kay Poe, ito ang pinakamabisang paraan para matiyak na ang modernisasyon ay magiging makatarungan at hindi magiging pabigat sa hanay ng mga tsuper at kooperatiba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com