Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noel Cabangon Songs For Hope Concert

Hard copy album miss na ni Noel  

MATABIL
ni John Fontanilla

NAMI-MISS na ng iconic and award winning singer and composer na si Noel Cabangon ang pagkakaroon ng hard copy album lalo’t lahat halos ng kanta ay nai-stream na online.

 Ayon kay  Noel sa presscon ng Songs For Hope Concert , “Nakaka-miss ang mayroon kang hard copy (album), pero dahil nga sa pagbabago ng technology ay nasa cellphone na lang at nasa cloud na lang ‘yung music copy. 

“Well ‘yung down side kasi ng nasa online na ‘yung album, hindi siya ganoon ka- revenue earnings compare to hard copy. Kasi ‘pag binili mo ‘yung album kahit na ‘yung mga extra na songs doon parang nabibili na rin.” 

Dagdag pa nito, “Unlike sa ngayon, so you really have to wait until na kahit one million na ‘yung streams mo parang barya-barya pa rin ang makukuha mo.

“So it’s really really hard and  of course we only rely on live performances which is, mas rewarding.” 

At kahit nga ang pagpo-promote ng kanta ay ibang-iba na sa dating nakasanayan at kailangan mag-viral muna ‘yung song mo sa social media para mag-hit.

“Even ‘yung the way we promote our songs, talagang ‘pag nag-viral ka, ‘yun ‘yung sabi nga nila na maghi-hit yung kanta. Pero ‘yun lang hindi mo alam if magba-viral ang isang kanta o hindi. Depende talaga sa mga tao,  siguro ‘pag sinayaw ni Cye ‘yung kanta baka mag-hit,” pabirong pahayag ni Noel.

“Pero’ yung paggamit naman ng technology sa paggawa ng music ay malaking bagay.  But of course ‘yung pag-compose hindi rin kasi ako gumagamit ng AI. ‘Di ko pa rin alam ‘yun at paano ‘yun gamitin.” 

Naniniwala ang magaling na singer na ang paggawa ng isang kanta ay ang bagay na hindi kayang gawin ng AI.

“Pero ‘yung paglikha ng isang musika ay ang bagay na hindi naman kayang gawin ng AI, maging ‘yung experience sa paglikha ng kanta. So ‘yun ‘yung isang bahay din na nananatili. But everything will be done by AI ‘yun lang. But I really want to be authentic and genuine,” sabi pa ni Noel. 

At sa September 20 ay magkakaroon ito ng concert, ang Songs for Hope sa Music Museum with  Faith Cuneta at Miles Poblete, Patricia Ismael, Cye Soriano, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez TNC Band  with front act Meggan Shinew, Justin Herradura, Rafael Mamforte, Samuel Smith. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …