Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinabinh may kinalaman sa pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela.

Nabunyag ang pagkakakilanlan  ng mga opisyal ng DPWH nang tanungin ni Sen. Rodante Marcoleta si Estrada matapos ang kanyang privilege speech noong 4 Agosto, na binigyang pansin ang bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.2 bilyon.

Sa pagtatanong ni Sen. Imee Marcos, inilinaw ni Sen. Estrada na walang kinalaman sa pagbagsak ng tulay ang DPWH official na nagngangalang Usec. Roberto Bernardo.

Ang naturang tulay ay natapos lamang noong 1 Pebrero 2025 at bumagsak ito makaraan ang 26 araw noong 27 Pebrero 2025.

Kabilang sa mga opisyal na binanggit niya ay sina Undersecretary for Regional Operations in Luzon Eugenio Pipo Jr., Undersecretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao Ador Canlas, at Undersecretary for Planning Service and Public-Private Partnership Service Maria Catalina Cabral.

“Malamang itong sinasabi ng ating Pangulo na pinatutungkulan niya na ‘mahiya naman kayo’ palagay ko ito pong mga opisyales ng DPWH na sangkot o kasabwat sa pagpapatayo ng collapsed bridge sa Isabela,” sabi ni Estrada.

Iginiit din niya na bagama’t naabisohan na ang mga opisyal ng mga engineer ng ahensiya tungkol sa posibilidad ng pagguho ng tulay ay tila hindi ito binigyang-pansin ng mga nabanggit.

Bukod sa nabanggit na mga undersecretary, tinukoy rin ni Estrada sina Assistant Secretary for Regional Operations in Luzon Loreta Malaluan at Assistant Secretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao Mary Bueno na may kaugnayan din sa proyekto.

Binigyang-diin ni Estrada na bukod sa mga truck driver, design consultant, at bridge contractor, dapat din umanong mapanagot ang mga opisyal na gumamit ng oversight functions sa pagpapatayo ng nasabing tulay.

“Wala tayong nabalitaan na nasuspending opisyal ng DPWH na may kinalaman sa proyektong ito. Wala rin tayong nabalitaang inimbestigahan sila upang panagutin,” saad ni Estrada.

Sinabi ni Estrada na dapat managot ang DPWH men sa pamamagitan ng paghuli sa mga opisyal na sangkot sa plano, approval, at implementasyon ng proyekto at hindi lamang dapat habulin ang mga private contractor.

“Explain the approval process, identify the lapses in monitoring and enforcement, and most importantly, assure the public that this will never happen again – not through promises, but through concrete reforms in design, review, safety compliance, and project oversight,” dagdag niya.

Matatandaang gumuho ang nasabing tulay noong 27 Pebrero, dahilan upang masugatan ang anim katao.

Kaugnay nito, una nang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na malabong masabing ‘aksidente’ ang insidente lalo’t may mga ulat mula sa DPWH at isang pribadong construction firm na nagsasabing may depekto na ang tulay habang ginagawa pa lamang ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …