Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta Maria Bridge Cabagan Isabela

2 opisyal ng DPWH kinuwestiyon sa isyu ng pagkumpuni ng Cabagan bridge sa Isabela

KINUWESTIYON ng ilang sektor ang naging papel ng matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkabigong makumpuni at mapatibay ang Sta. Maria – Cabagan Bridge sa lalawigan ng Isabela sa kabila ng matagal na panahon ng kanilang panunungkulan.

Si Undersecretary Eugenio Pipo, Jr., na nagsilbing Assistant Secretary for Luzon Operations mula 2016 hanggang 2020, ay naitalaga bilang Undersecretary for Regional Operations noong 2022. Sakop ng kanyang nasasakupan ang Cordillera Administrative Region, Region I, Region II, at ilang bahagi ng Mindanao.

Bilang undersecretary for operations, siya ang may direktang pamamahala sa mga proyektong impraestruktura sa naturang mga rehiyon.

Kasama niya sa pamunuan si Undersecretary Ador Canlas, na nagsilbing kanyang Assistant Secretary mula 2022 hanggang 2023. Kalaunan ay naitalaga rin si Canlas bilang Undersecretary for Technical Services, at siyang ang nag-aproba sa Retrofitting Design ng Cabagan Bridge.

Sa kabila ng mga taon nang panunungkulan nina Pipo at Canlas sa Luzon at kanilang direktang ugnayan sa proyektong tulay, hindi naging maayos at bumagsak pa rin ang nasabing tulay – isang pangyayaring naging sanhi ng pangamba sa kaligtasan ng publiko.

Ayon sa mga ulat, nagpadala pa ng imbitasyon ang grupo nina Usec. Pipo at Usec. Canlas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa inagurasyon ng nasabing tulay, ngunit hindi ito nadaluhan ng Pangulo.

Gayonpaman, walang naging malinaw na aksiyon o progreso ang naitalang mga hakbangin para sa pagsasaayos ng tulay sa loob ng pitong taong hawak ni Usec. Pipo ang proyekto. Maging ang disenyo para sa retrofitting na aprobado ni Usec. Canlas ay hindi rin naging sapat upang maiwasan ang pagbagsak ng tulay.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na pahayag mula kina Usec. Pipo at Usec. Canlas ukol sa mga alegasyong ito. Patuloy na nananawagan ang publiko para sa masusing imbestigasyon at pananagutan sa mga responsable sa insidente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …