Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jameson Blake Barbie Forteza

Barbie at Jameson friends lang

MA at PA
ni Rommel Placente

IDINENAY ni Barbie Forteza ang kumakalat na balita na umano’y jowa niya na si Jameson Blake

Matagal nang usap-usapan na nagkakamabutihan na sina Barbie at Jameson dahil kumalat ang video at mga litrato ng dalawa na kuha sa isang running event sa Pampanga na makikitang magka-holding hands pa sila at kakaiba na ang tinginan sa isa’t isa.

Feeling ng fans, may something na nga kina Barbie at Jameson at naghihintay lamang ng tamang panahon para umamin.

Pero sa interview ng 24 Oras kay Barbie, nagsalita na nga ito tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jameson. Aniya, ininvite talaga siya ng binata sa nasabing fun run.

Actually, marami nga masyadong na-confuse, paano ba nag-krus ang landas namin ‘di ba? So, nagkasama kami sa pelikula,” sabi ni Barbie.

Aniya pa, “Itong recent run namin, siya naman ‘yung nag-invite. Just like how my other runner friends invite me to run. ‘Yun lang talaga ‘yun. And we are not together.”

Ganito rin ang naging pahayag ni Jameson sa panayam sa kanya ng talent manager at host na si Ogie Diaz.

Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao noong nagpa-picture sa kanya. I was just assisting her palabas,” ani Jameson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …