MASUSING binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) ang tatlong low pressure area (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Dakong 8:00 ng umaga kahapon, ang LPA na namataan sa loob ng PAR ay may mababaw na tsansang maging bagyo sa susunod na 24 oras. Naitala ito sa layong 790 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Nasa labas ng PAR ang ikalawang LPA ngunit may bahagyang potensiyal na maging isang bagyo sa susunod na 24 oras. Labing bahagi ito ng bagyong Bising na huling namataan sa layong 475 hilagang kanluran ng Itbayat.
Wala rin tsansang maging bagyo sa susunod na 24 oras ang isa pang LPA na nasa labas din ng PAR. Huli itong nakita sa layong 2,070 km silangan ng extreme Northern Luzon.
Sinabi sa PAGASA, Habagat ang nagdudulot ng patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com