Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
3 Pinoy patay sa inatakeng MV Eternity C sa Yemen
ISANG crew member ng M/V Eternity C na nasagip sa Red Sea noong Miyerkoles, 9 Hulyo 2025. (Retrato mula sa Diaplous/Reuters) NAKUNAN ng larawan ang M/V Eternity C habang lumulubog sa karagatan ng Red Sea matapos atakehin ng mga Houthi. (Retrato mula sa Houthi handout/EPA)

3 Pinoy patay sa inatakeng M/V Eternity C sa Yemen

KINOMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na may tatlong Pinoy seafarers ang namatay sa barkong M/V Eternity C na intake at pinalubog ng Houthi rebels sa Yemen.

“Kino-confirm pa natin ito. It is just the information that we know from the UKMTO  (United Kingdom Maritime Trade Organization) though our defense attaché,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa press briefing.

Ayon kay Cacdac, 22 ang crew ng MV Eternity C, 21 dito ay mga Filipino at lima ang nakaligtas sa paglubog ng barko.

“With the rescue of 5 ay 16 sa ngayon ang inaantabayanan pa rin natin kung ano na ang kinaratnan. Mayroon pang search operation as far as we know at patuloy ang paghahanap sa kanila,” ani Cacdac.

Dinala sa isang ligtas na lugar ang mga nasagip na limang Pinoy at tiniyak ang lahat ng kakailanganing tulong para sa kanila.

Kasunod nito, tatlong Pinoy pa ang iniulat na nasagip.

Kaugnay nito, sinuspinde ng DMW ang lisensiya ng manning agency at principal ng mga tripulanteng Pinoy ng MV Eternity C.

Sa ilalim ng DMW Department Order 1 na inisyu noong Marso 2024, may mandato ang mga shipowner at manning agencies na i-report ang pagdaan ng kanilang barko sa Red Sea at Gulf of Aden para tiyaking ang kanilang Filipino crew members ay naimpormahan sa panganib na maaaring idulot nito.

Karapatan ang mga tripulante na tumangging maglayag sa mga naturang mapanganib na lugar.

Samantala, sa ulat ng Reuters, nabatid na nitong Huwebes ay umabot na sa 10 crew ang nasagip, 8 sa kanila ay Filipino, isang Indian security guard, at isa pang Greek guard.

               Kinompirma rin na apat sa 25 crew — tatlong Pinoy at isang Russian national — ang napaslang sa pag-atake ng Houthi.

               Sa nawawalang 11 tripulante, anim ang pinaniniwalaang kinidnap ng Houthis. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng …

Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation

Kalinga Foundation Renews Lives and Hope Through Christmas Outreach

The Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation continues to live out its mission of restoring dignity …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …