Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa gitna ng welga ng union officers
KAWASAKI MOTORS IGINIIT PATAS, “COMPETITIVE” PASAHOD SA MANGGAGAWA

070825 Hataw Frontpage

HATAW News Team

IGINIIT ng Kawasaki Motors (Phils.) Corporation (KMPC) na makatarungan at competitive ang pasahod at mga benepisyong ibinibigay sa mga empleyado, sa kabila ng patuloy na welgang inilulunsad ng ilang opisyal ng Kawasaki United Labor Union (KULU) nagsimula noong 21 Mayo 2025 at patuloy na nakaapekto sa operasyon ng planta sa Muntinlupa City.

Ayon sa KMPC, sa kabila ng matinding epekto ng pandemya—kabilang ang pagbagsak ng benta at produksiyon—nanatili itong nakatuon sa kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pasahod at benepisyong mas mataas kaysa antas ng inflation.

“Like many companies, we were hit hard during the pandemic,” pahayag ng KMPC. “But we never cut back on supporting our employees. We have continued to provide competitive pay and meaningful benefits,” dagdag nito.

Tinukoy ng KMPC ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabi na tumaas ang Consumer Price Index (CPI) sa National Capital Region (NCR) ng 21.2%  mula 2018 hanggang Hunyo 2024.

Gayonpaman, sa parehas na panahon ay nakapagpatupad pa rin ang kompanya ng umentong umabot sa 9.5% kada taon, o katumbas ng 157.42% na pagtaas ng sahod mula 2018 hanggang 2024.

Sa kasalukuyang collective bargaining negotiations, nag-alok ang KMPC ng 5% taunang dagdag-sahod — mas mataas sa kasalukuyang antas ng inflation – ngunit iginigiit ng KULU na 11.5% ang dapat na umento, ito ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng deadlock at tuluyang pagwewelga ng unyon.

Ayon sa KMPC, ang average pay ng kanilang mga rank-and-file na manggagawa ay nasa P38,000 kada buwan—mahigit doble ito sa itinakdang poverty threshold ng gobyerno para sa isang pamilyang may limang miyembro. Kapag naipatupad pa ang panukalang 5% umento na alok ng kompanya ay aakyat pa ito sa halos P40,000 kada buwan.

Bukod sa sahod, binigyang-diin din ng kompanya ang mahabang kasaysayan nito ng pagbibigay ng insentibo at benepisyo. Habang ang batas ay nagtatakda lamang ng 13th month pay, karaniwang nagbibigay ang KMPC hanggang 16th month pay bonus.

Kabilang sa mga benepisyo ang libreng healthcare para sa empleyado at kanilang dependents, rice at transport allowance, production at subsistence incentives, pati na rin ang vacation at sick leave na mas mataas kaysa itinatakda ng batas.

“We have always believed that people are our greatest asset. Our pay and benefits reflect that, even during tough times,” pahayag ng KMPC.

Dagdag ng kompanya, hindi lahat ng mga empleyado ay pabor sa strike, marami sa kanila ang apektado ng welga at hindi nagpapartisipa dahil walang isinagawang mga konsultasyon ang KULU sa hanay ng mga manggagawa.

“We respect the right to organize, but we also have to protect the rights of workers who want to work and provide for their families,” giit ng kompanya.

Noong 1 Hulyo, nagsampa ang KMPC ng pormal na reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC), nais nitong ideklarang ilegal ang welga at papanagutin ang mga opisyal ng unyon na nagpasimuno nito dahil sa paglabag sa “No Strike, No Lockout” provision sa Collective Bargaining Agreement (CBA) na nananatiling epektibo habang wala pang bagong kasunduan.

“Disruptions like this hurt everyone—from the business to the workers and their families,” paliwanag ng KMPC kasabay ng apela nito sa NLRC na agad maresolba ang kanilang labor dispute.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …