Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City ng mag-asawang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagwakas matapos masakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek.

Sa pamumuno ni NBI Director Jaime B. Santiago, iniharap sa media ang naarestong mag-asawa, kinilalang  sina Christopher Capitulo at Maria Elena Capitulo sa Dagat-Dagatan, Caloocan City batay sa reklamo ng isang negosyante na nagreklamo sa NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD), na binanggit ang mga taon ng pagbabanta mula sa isang indibiduwal na nagpapakilala bilang “Ka Ferdie” na sinasabing konektado sa NPA.

Mula noong 2018, ang suspek ay nanghuthot sa nagreklamo at sa kanyang pamilya, humihingi ng taunang bayad para sa kanilang kaligtasan.

Ang mga banta at pangingikil ay ginawa sa pamamagitan ng isang cellphone number 0910-525-3340, na umabot sa mahigit P2.6 milyon ang idineposito ng biktima sa isang bank account para makuha ng mga suspek.

Matapos ang imbestigasyon at beripikasyon, natunton ng NBI ang numerong ginagamit sa pangingikil sa pamamagitan ng mga indibiduwal na konektado sa mag-asawang Capitulo.

Noong 2 Hulyo 2025, kasunod ng isa pang deposito ng biktima sa ilalim ng pangangasiwa ng NBI, isinagawa ang isang entrapment operation.

Umamin ang may-ari ng bank account nang tanungin na ang kanyang account ay ginamit upang tumanggap ng pera para sa kanyang kapitbahay na si Chris Capitulo, kapalit ng porsiyento sa bawat transaksiyon.

Nakipagtulungan siya sa NBI-OTCD, at ginamit ang mga marked bills, inihatid ang pera sa mag-asawang Capitulo bilang bahagi ng isang kontroladong follow-up operation.

Pagkatapos matanggap ni Chris ang pera, inaresto ng mga operatiba ng NBI ang parehong mga suspek.

Inamin ng lalaking Capitulo ang kanyang papel sa panghihingi ng pera at isinuko ang kanyang cellphone na naglalaman ng SIM na ginamit sa pagpapadala ng mga banta.

Isinagawa ang imbentaryo ng mga nakompiskang bagay sa harap ng mga opisyal ng barangay.

Ang mga suspek ay dinala sa NBI-OTCD para sa booking at sumailalim sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa patong-patong kaso ng Robbery (Extortion) sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC), paglabag sa Section 11(d) ng RA 11934 (SIM Registration Act), paglabag sa Section 4 ng RA 10168 (Financing of Terrorism), at Money Laundering sa ilalim ng inamyendahang RA 9160.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakadetine sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa.

Binigyang-diin ng NBI ang pangako na wasakin ang mga daluyan ng keimen na sangkot sa pangingikil, pandaraya sa pananalapi, ‘paglalabada’ ng pera, at pagpopondo sa terorismo. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …