Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSAA Aspirant Cup sa Hulyo 12
TINALAKAY ni organizer coach Fenando Arimado ang gaganaping Aspirant Cup 16-under boys’ basketball tournament ng Philippine Schools Athletics Association (PSAA) sa Hulyo 12, kasama ang mga coaches ng paaralang kalahok na sina Doms De Castro ng Grace Christian College, Gino Manahan PSSA Learning and Development Consultant, Jose Melchor PSSA Marketing Consutant, Jonald Mabasa St. Bernadeth College of Alabang, Commissioner Robert dela Rosa, Leolito Lee Mier ng San Antonio High School-Makati, at Hilario Lucero. Jr. ng St. Benedict School of Caloocan, sa kanilang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

PSAA Aspirant Cup sa Hulyo 12

KABUUANG 11 koponan tampok ang apat na premyadong eskwelahan ang sasabak sa Aspirant Cup 16-under boys’ basketball tournament ng Philippine Schools Athletics Association (PSAA) sa Hulyo 12.

Ibinida ni PSAA founder at basketball grassroots organizer coach Fernando Arimado na siksik-liglig ang aksyon sa torneo sa paglahok ng mga high-level na institusyon tulad ng Ateneo, National University, University of the Philippines-Integrated School at Mapua sa torneo na naglalayong mabigyan nang sapat exposure ang kabataang Pilipino at masustinihan ang grassroots sports development sa bansa.

“We’re happy to announce the participation of four established institutions – Mapua, UP, Ateneo and NU – to play against six other equally talented schools in the inaugural Aspirant Cup for 16-under players. We’re just waiting the response of Makati City administration to lend the Makati Coliseum on the opening day or else we do it in Xavier School gymnasium,” pahayag ni Arimado, founder din ng National Youth Basketball League (NYBL), sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports nitong Huwebes sa PSC Conference Room.

Bukod sa apat, sabak din sa liga ang Xavier School, St. Bernadeth College-Alabang, Marist School, St. Benedict School, Gracel Christian College Foundation, St. John Worth Integrated School at San Antonio High School-Makati – tanging kalahok mula sa pampublikong eskwelahan.

Ayon kay League Commissioner Robert Dela Rosa, maghaharap ang mga koponan  na hahatiin sa dalawang grupo sa one-round elimination kung saa aangat sa cross-over semifinals ang dalawang mangungunang koponan sa magkabilang grupo.

“Pinili natin ang grupo ng mga referee na mga beterano at responsibl sa malalaking collegiate league, para masiguro natin ang high-level din ang quality ng ating officiating,” sambit ni Dela Rosa sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Ikinalugod naman ng mga kinatawan ng eskwelahan ang paglahok ng malalaking institusyon na anila’y higit na makapagbibigay ng inspirasyon at hamon sa mga batang players na karamihan ay lalaro pa lamang sa unang pagkakataon sa isang premyadong liga.

“Their presence is a big challenge for us. Isan motibasyon ito sa amin, sa aking mga players na magpursige dahil alam nilang malalakas ang mga kalaro. Hindi puwede ang basta na lang kundi disiplina,” pahayag ni Jonald Mabasa, head coach ng St, Bernadeth College of Alabang.

Iginiit naman ni Doms De Castro, coach ng Gracel Christian College, na bahagi ng kanilang pagsasanay at paghahanda ang pagpapalakas hindi lamang sa pisikal bagkus sa kaisipan kung kaya’t malaking hamon sa kakayahan ng mga players ang makalaro ang mga players na busog sa makabuluhang sistema.

“Kami naman, first time naming sumali sa ganitong liga. Wala naman kaming target kundi ang matuto pa. Gayunman, sobrang sakripisyo ang pinagdaanan namin, kasam na dyan yung recruitment process na nagresulta para makakuha kami ng players mula sa Samar. Nagpapasalamat kami sa mga magulang na pinayagn nilagmaging scholar sa amin ang mga bata,” sambit ni coach Hilario Lucero. Jr. ng St. Benedict School of Caloocan.

Kinatigan ni coach Leolito Lee Mier ng San Antonio High School-Makati ang naging pahayag ng kanya ng mga kasama, kasabay nang pasasalamat sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Makati sa suportang ibinigay upag maitaguyod ang eskwelahan at makalahok sa makabuluhang programa tulad ng PSAA.

“Thankful kami sa aming Mayor, at nagpapasalamat kami sa PSAA dahil inimbitahan kami sumali. Malaking bagay ito sa aming mga estudyante para higit na mabuild-up ang kanulang morale at confidence,” aniya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …