HINDI mapasusubalian ang hatid-saya ng Jollibee maging sa kape na napatunayan na sa mga tagahanga nito sa buong bansa sa pamamagitan ng kapana-panabik na Jollibee Coffee Blends Pop-up.
Nagsimula ito sa isang sorpresang kaganapan sa Jollibee E. Rodriguez, na ang mga customer ay binigyan ng libreng Iced Mocha at ang pakikisalamuha ng brand ambassador nitong si Atasha Muhlach.
Nakatakdang maabot ng nationwide pop-up booth ang mga central business district, paaralan, transport terminals, at major event, na magse-set up ang Jollibee ng mga interactive na aktibidad, na nag-aalok sa mga customer ng pagkakataong subukan ang masarap na masaganang choco-coffee blend ng Jollibee Iced Mocha ng libre.
Bawat booth ay nagtatampok ng masayang roulette game na ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na premyo sa pamamagitan lamang ng pag-post ng larawan mula sa kaganapan sa kanilang social media gamit ang hashtag na #JollibeeCoffeeBlends.
Ang sorpresang pagbisita sa sangay ng Jollibee ay naging hit sa mga customer, na tuwang-tuwa na makilala si Atasha ng personal nang sumama sa pamimigay ng libreng cups ng Iced Mocha. Nasiyahan ang mga bisita sa mabilisang selfie at nakatutuwang pakikipag-ugnayan dahil hinikayat ni Atasha ang lahat na subukan ang kanyang paboritong Jollibee Coffee Blend.
“Moments like these are what Jollibee is all about – bringing joy to our customers in fun and unexpected ways,” ani Pamela Cruz, Marketing Director ng Jollibee Philippines.
“We’re excited for more people to discover how our Iced Mocha has that choco-coffee blend that many people will love,” dagdag pa.
Manatiling nakatutok— sa Jollibee Coffee Blends Pop-up na maaaring susunod na bumisita sa inyong lungsod.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com