Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julius Babao Cesar Montano Sunshine Cruz Atong Ang

Cesar maligaya para kina Sunshine at Atong Ang

KINUHA ni Julius Babao ang reaksiyon ni Cesar Montano nang mag-guest ito sa kanyng Youtubechannel na Unplugged, tungkol sa pag-amin ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz at Atong Ang sa kanilang relasyon.

Tugon ni Cesar, “A, nabuo ko tuloy ‘yung ano, eh, ‘yung tula na ano, eh, ‘Ang Sunshine,’ bow!

“Tawa siya nang tawa noong sinabi ko sa kanya ‘yung ganoon. ‘Yung bago ka tumula, ‘Ang Sunshine,’ bow,” chika ni Cesar.

Maligaya raw si Cesar na nakikitang masaya si Sunshine pero hindi pa naman nila napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Atong.

Para sa aktor, ang importante ngayon ay maayos ang samahan nila bilang co-parents sa tatlo nilang anak na sina Angelina, Cheska, at Sam.

Hindi pa naman nakukuwento ‘yun. Pero nakikita ko naman na maligaya siya, for a friend, ‘di ba, kaibigan kami. Kapag nakita niyo pong masaya ang inyong kaibigan, hindi ba kayo magiging masaya?

“Dapat maging masaya rin kayo. So, as long as she’s happy and I can see that she’s happy, I’m so happy for her, enormously.

“Kasi kapag happy ang nanay ng mga anak ko, so ibig sabihin happy din ‘yung mga anak ko.

“So, mas magiging…kasi ang magiging problema niya, of course, problema ko rin ‘yun. 

So, my prayer always, kasama sa prayer ko palagi si Sunshine, I always tell her that.

“So, of course, pinagpe-pray ko ‘yung mga anak ko. At mga nanay ng mga anak ko.

To be safe and secured always, and to prosper her, always. ‘Yan ang palaging prayer ko. Every day po ‘yan, every day po ‘yan, totoo po ‘yan,” aniya pa.

Matagal na ring kilala ng action star si Atong bago pa naging sila ni Sunshine.

Nagkakantahan pa kami sa Bellissimo niyan, eh.” Na ang tinutukoy ay ang dati niyang pag-aaring Italian restaurant sa Quezon City.

Patuloy pa niya, “Oo, nagkita na kami, birthday ng anak ko. Pero hindi na siya nag-stay, umalis na siya. Nagkausap, pero very, very brief. Very brief lang. Oo.”

Sundot na tanong ni Julius, “Wala bang ilangang nangyari?” Na pabirong sinagot ni Cesar ng, “Wala. ‘Di naman kami nagbeso-beso, wala na.

“Hinihintay ko nga magbeso-beso kami, pero at least umiwas na siya. Joke lang, joke lang,”natatawa pang sabi ni Cesar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …