Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Israel
4 PINOY SUGATAN SA MISSILE STRIKE NG IRAN – DFA

061625 Hataw Frontpage

HATAW News Team

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) apat na Filipino ang nasugatan at isinugod sa ospital matapos ang ganting air strike ng Iran sa Israel.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga nasugatang Pinoy ay mula sa Rehovot, isang lungsod, 20 kilometro sa timog ng Tel-Aviv.

“We were not sure if they were in the park or if lumabas sila ng bahay sa takot,” pahayag ni De Vega sa ABS-CBN News.

Bukod sa apat, may 12 Filipino pa ang nasa isang park nang tumama sa lugar ang missile ng Iran.

Isang Pinay ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa hotel matapos tamaan ng mga missile ang Ramat Gan, kanluran ng Tel-Aviv, ayon sa Philippine Embassy sa Israel.

“Nakaligtas siya sa kapahamakan dahil siya ay nasa loob ng isang bomb shelter o mamad nang bumagsak ang naturang missile,” paskil ng Embahada sa social media.

“Dahil nagdulot ng malaking pinsala ang missile sa bahay ng ating kababayan, inilikas siya at pansamantalang mamamalagi sa isang hotel sa Tel Aviv,” ayon pa sa paskil ng Embahada.

Anila, “Magpapaabot ng karagdagang tulong at psychosocial support ang Embahada sa kaniya sa mga susunod na araw.”

Nirerepaso ng Philippine Embassy sa Israel kung kinakailangang ipatupad ang boluntaryo o sapilitang repatriation para sa mga Filipino sa mga susunod na araw.

Kinompirma ni De Vega batay sa rekord nasa 30,000 ang mga Filipino sa Israel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Negosyanteng babae, kaibigang lalaki natagpuang may tama ng bala ng baril sa ulo, kotse, bangkay sinunog

SUNOG NA BANGKAY na may mga tama ng bala sa leeg at batok ang isang …

LTO Land Transportation Office

Suspensiyon ipinataw ng LTO vs 12 driving school, instructors, dahil sa certificate irregularities

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang akreditasyon ng 12 driving schools at …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …