Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Riding-in-tandem

Onsehan sa droga  
Bebot todas sa tandem

PATAY ang isang 34-anyos babae nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktima makaraang paulit-ulit na paputukan ng mga hindi kilalang suspek bandang 6:00 ng gabi sa panulukan ng McArthur Highway at P. Bautista St., Brgy. Marulas, ng nabanggit na lungsod.

Agad na tumakas ang mga suspek nang makitang bumulagta ang biktima sa kalsada.

Ayon kay PMaj. Randy Llanderal, hepe ng Public Information Office, Valenzuela Police Station, may kikitain umano sa nabanggit na lugar ang biktima nang biglang ikutan ng riding-in-tandem sa pinaputukan nang sunod-sunod.

Aabot sa apat na tama ng bala ng baril ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng  biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dati nang may kaso ang biktima kaugnay ng ilegal na droga.

Onsehan sa ilegal na droga ang tinitingnang motibo sa krimen.

Sa pahayag ng dating live-in partner ng biktima, bago mangyari ang insidente, sinundo ng isang alyas Jon ang babae.

Dagdag ni Lladeral, may persons of interest na sila ngunit hindi pa maaaring ibunyag ang pagkakakilanlan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …