Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Fast Talk With Boy Abunda

Aiko sinagot pangarap mag-mayor ng Quezon City

MA at PA
ni Rommel Placente

MULING nanalo ang award-winning actress na si Aiko Melendez nang tumakbo siya bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City noong nakaraang  midterm election.

Talagang mahal si Aiko ng kanyang constituents.

Sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, tinanong siya ni Kuya Boy kung pangarap din ba niyang maging mayor ng Quezon City? Pero ang sagot niya ay wala siyang balak.

Sabi ni Aiko, “Oh, no! That’s a very straight answer. No. I don’t see myself in the administrative area. I’m more on the legislative.”

Sumunod na tanong ni Kuya Boy kay Aiko, kung naniniwala ba siya na mas magaan daw ang intriga at kontrobersiya sa showbiz kaysa mundo ng politika?

Sagot ni Aiko, “Same lang ang gravity niya. Ang handling lang sa politics, Tito-ninong, they attack you personally. In show business din naman, now that social media is all around, they can always attack you personally also.”

Ayon pa kay Aiko, ang ipinagkaiba lang ng kontrobersiya sa politics sa showbiz, ay ang posibilidad na mawalan ng boto ang isang celebrity candidate.

“Kapag ‘yung reputation mo is na-tarnish, ang sacrifice niyan, the next time around na tatakbo ka, medyo mahihirapan ka sa karera mo.

“That’s why for me, Tito-ninong, you have to be careful with your actions, lalo na ngayon, think before you click, ‘di ba? And before you do anything now, you have to think. Kasi ang tao ngayon is mas judgemental sila,” paliwanag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …