Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas

Ai Ai ayaw nang sumapi sa mga team sawi

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIKUWENTO ni Ai Ai delas Alas sa kanyang Facebook account ang tungkol sa pagpayat niya ng bonggang-bongga pero hindi naman healthy.

Ipinost ni Ai Ai ang mga litrato niya na kuha sa loob ng gym, na ron siya nagwo-workout, kalakip ang chika niya kung gaano siya kapayat noon.

“Feelingera lang hehe…mga gym goers ganyan eh nag -selfie sila para makita nilang ang payat na nila.

“Ako selfie ako para shutanginames makita ko gaano ako tumaba pucha o hirap na hirap na katawang lupa ko haha,” bahagi ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.

Pagpapatuloy pa niya, “LORD help me pagod na pagod na ko… hehe ayoko naman uminom ng 7 days and wala na ata nu’n ngayun haha.

“Pucha payat talaga ko nu’n muntik naman ako maospital…hindi ako kumakain pineapple juice lang and tubig.

“Napakapayat ko nu’n ayun lang d naman healthy…ang takaw ko kasi ngayun aktwali matakaw naman talaga ko basically,” sey ng komedyana.

Sabi pa niya, nang maghiwalay sila ng dating mister na si Gerald Sibayan ay hindi siya nakakain sa loob ng dalawang linggo. 

“Isang magandang naidulot ng iwanan blues hindi ako nakakain ng mga 2 weeks from 118 nag 111 ako in 4 days.

“Pero ayoko na sumapi sa team sawi ok na kong mataba hehe napakahirap ng dinanas ko ayaw ko na maulit,” aniya pa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …