Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Wanted sa kasong murder MWP ng Calabarzon arestado

DINAKIP ang isang lalaking nakatalang most wanted person sa regional level sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng 1st Laguna PMFC at PIU nitong Linggo, 1 Hunyo, sa bayan ng Alaminos, lalawigan ng Laguna.

Sa ulat kay Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Ruel, residente sa Los Baños, Laguna.

Sa ulat ng 1st Laguna Mobile Force Company, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Edmar Christian Allen Tuburan, Force Commander, matapos nilang matunton ang kinaroroonan ng akusado ay agad nilang isinilbi ang warrant of arrest laban kay alyas Ruel, kasama ang Provincial Intelligence Unit dakong 10:15 ng gabi, kamakalawa sa Mulberry Cemetery, Brgy. San Juan, sa nabanggit na bayan.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa Los Baños City RTC Branch 107 na pinagtibay ng lagda ni Assisting Judge Rene Natividad para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa at sa warrant of arrest mula Calamba City RTC Branch 36 Laguna na pinagtibay ng lagda ni Presiding Glenda Mendoza-Ramos para sa kasong paglabag sa RA 9175 (Chain Saw Act of 2002) na wala rin inirekomendang piyansa. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Los Baños MPS ang arestadong akusado na agad inimpormahan ang korte na pinagmulan ng mga warrant of arrest sa pagkakaaresto. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …