Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, Jen sumabak sa target shooting para sa bagong serye

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI nagdalawang-isip sa pagtanggap ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng bagong action light drama series nilang Sanggang Dikit FR na mapapanood na sa GMA Prime sa June 23. 

Sey ni Jennilyn, “Nagustuhan ko ‘yung concept ang tagal ko ng hindi nakagagawa actually first action series ko ito. Gusto kong subukan dahil gusto ko ‘yung mga challenging na roles.”

Bukod sa magandang kwento ng serye ay makakatrabaho pa niya ang asawang si Dennis.

Para naman sa aktor ang seryeng ito ang genre na hindi pa nila nagagawa.

Medyo ma-action, may light drama. Super twins pa ‘yung huling action na ginawa namin ni Jennylyn. Nagpapasalamat kami sa aming fight director na si Michael Roy Jornales. Napakaingat niya at maalaga sa amin,” sabi ni Dennis.

Nang tanungin naman si Dennis sa preparasyon sa Sanggang Dikit FR, aniya, “Mayroon po siyempreng paghahanda kasi ang inire-represent namin dito ay buong pulisya. Kailangan maayos na maipakita namin bago kami sumabak sa taping. Nag-training kami ng firearms shooting. 

“Kailangan ito para mas maging makatotohanan ang pagganap namin bilang mga alagad ng batas,” anang aktor.

Tinanong naman si Dennis kung paano niya pinrotektahan ang asawa sa mga eksena lalo na sa aksiyon.

Opo siyempre rito sa programa namin nagre-require na kailangan malakas ‘yung pangangatawan mo kami ni Jennylyn minamabuti namin na maging healthy. Dinagdagan namin ‘yung mga workout namin para  hindi kami mabigla at ma-injure.”

Sa tunay na buhay on and off cam ay talaga namang magkasanggang dikit sina Jennylyn at Dennis. Highlight kasi ito ng pagiging mag-asawa. 

Sey ng aktres, “Pinili naming magsama habang buhay kahit saan kami dalhin ng buhay kailangan sa hanggang dikit.”

Kasama rin sa serye sina Joross Gambia, Allen Dizon, Juancho Trivino, Liezel Lopez, Jeffrey Santos, Al Tantay, Roi Vinzon, Nova Villa at marami pang iba. Sa direksiyon ni L.A. Madridejos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …