ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PROUD NA PROUD ang mag-asawang Andrew E. at Ms. Mylene Espiritu sa anak nilang si Andrew Ichiro Espiritu.
Si Ichiro, bilang si Prince Reveille ang lead actor sa musical play na “Princess Whatsername” ng Southville International School na ginanap last May 23 and 24. Ang lead actress naman dito ay si Gabbie Hermosilla.
Present dito ang family ni Andrew para suportahan ang anak.
Ito ang FB post ng King of Pinoy Rap para sa kanyang mahal na anak after ng play nito:
“No amount of money, no weight of fame, and not even any value of stardom can overcome my happiness, embracing and congratulating my son Ichiro — while he’s on stage and I’m on the floor — that momentous feeling…I thank GOD with all my heart Maraming salamat po Mahal Na Panginoon.”
Bale, nang natapos ang play ay sobrang proud ni Andrew E, sa kanyang anak at niyakap niya nang mahigpit si Ichiro, tapos ay sumunod din ang mga kapatid niya na yumakap dito. Ito ang makikita sa FB post ni Andrew at wala sa video si Ms. Mylene, ang better half ni Andrew, dahil siya pala ang kumukuha ng video.
Si Ichiro ang bunso sa tatlong magkakapatid. Panganay si Andrew Fordy Espiritu at sumunod si Jassley Fatima Espiritu.
Narito ang dalawang naunang post pa ni Andrew para sa kanyang anak na nagpapakita kung gaano siya ka-supportive bilang magulang.
“Oh wow Ichiro…!!! We really can’t wait to watch you perform as the #prince You amaze me so much I am your certified #1 true fan and you are my idol! Congratulations anak and goodluck…!!! Perform the best @ichi.esp”
“I am an entertainer — but I got entertained…!!!” Tons of props and super congratulations to all the people who shared their valuable part in the creation of this beautiful play…!!! @southville_is Hats off to you people…!!! I get to watch my idol perform again on stage — congrats idol anak Ichiro…!!! You’re #1 fan right here, happy and with sheer appreciation for your acting Prince Reveille @ichi.esp.”
Sa part naman ni Ms. Mylene, proud na proud siya sa anak at ito naman ang kanyang FB post: “#soproudofyoualways.”
Nang kunin namin ang kanyang reaction sa aming chat, aminado si Ms. Mylene na bilib siya sa galing ng anak at siya pa raw ang mas kinabahan.
“Hehehe, super-proud, naiyak habang nasa stage. Sobra ang galing, imagine 13 years old lang nakaka-memorize nang ang haba-habang lines, hahaha! Kinabahan ako na baka magkamali siya, pero ang galing sa acting. Ang galing niya, mana sa papa, hehehe!
“Nakaka-amaze lang kasi ‘di ko akalain sa acting sila magaling, ang alam ko magagaling silang mag-rap magkakapatid, e,” nakangiting dagdag niya.
Actually, nakatutuwang pagmasdan ang closeness ng pamilya ni Andrew E. Nakita namin ito mismo nang i-pictorial namin ang iconic Pinoy rapper na si Andrew para sa Limelight Magazine ng TEAM. Pati na sa magarbong debut last month ng nag-iisang prinsesa ng pamilya Espiritu na si Jassley sa Conrad Hotel.
Sa naturang debut ni Jassley, super-saya siya at punong-puno ng iyakan. Full force rin ang family nila from Boracay sa pangunguna ng tinaguriang Queen of Boracay at super sa kabaitan na si Ms. Mila Yap Sumndad (mother ni Ms. Mylene). Ang dinig namin, more or less ay 40 silang lumuwas pa mula Boracay para makiisa sa mahalagang okasyong ito.
Na-meet din namin dito ang mahal na ina ni Andrew.
Kaya nasabi namin na sadyang kakaiba ang closeness ng pamilya nila at dapat saludohan dito sina Andrew at Ms. Mylene bilang mga ulirang magulang at ang kanilang mga pamilya.
Incidentally, nabanggit din sa amin ni Ms. Mylene na sina Ichiro at Jassley ay mahilig talagang sumabak sa acting sa theater play at ang anak nilang si Fordy naman ay may collab song sa anak ni Manny Pacquiao na ang title ay “Check Mate”.
Kuwento ni Ms. Mylene, “Si 4d (Fordy) may lalabas na new song kasama iyong anak ni Manny Pacquiao. Sa June 6 ang release ng collab nila.”
Anyway, alam namin na mahuhusay sina Ichiro at Jassley pagdating sa rap dahil napanood na namin sila. Pero, open din kaya silang pumasok sa showbiz para sumabak sa pag-arte? How about si Fordy, game rin kaya siyang umarte sa harap ng camera tulad ng erpat nila?
Ano kaya ang say dito nina Andrew at Ms. Mylene?