Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NAGPAKITA ng matinding suporta ang mga residente ng Las Piñas sa ginanap na Grand Rally ng Nacionalista Party kagabi para kay Carlo Aguilar, kandidatong alkalde at dating number one city councilor, na patuloy na lumalakas ang kampanya para sa isang “Bagong Las Piñas” sa nalalabing araw bago ang halalan sa Lunes,12 Mayo.

Ginanap ang Grand Rally sa The Tent, Vista Global South sa kahabaan ng C5 Extension, at dumalo sina Manny Villar, presidente ng Nacionalista Party; Senadora Cynthia A. Villar, tumatakbo bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Las Piñas; Senador Mark Villar; at Camille Villar, na ngayon ay unang beses na tatakbo para sa Senado. Kasama rin sa programa si Vice Mayor candidate Louie Bustamante at ang buong hanay ng mga kandidato sa pagka-konsehal mula sa dalawang distrito ng lungsod.

Nagpatunay ang pagtitipon sa lawak ng suporta ng mga taga-Las Piñas para sa Tropang Villar at sa kandidatura ni Carlo Aguilar, kasabay ng mainit na pagsalubong ng mga barangay at SK officials, homeowners’ association officers, kabataan, kababaihan, at mga senior citizen mula sa iba’t ibang barangay.

Sa kanyang talumpati, muling ipinanawagan ni Aguilar ang pangangailangan ng “Bagong Las Piñas”—isang lungsod na bukas para sa lahat, may pananagutang pamahalaan, at mga programang nakasentro sa tunay na pangangailangan ng tao. Ipinangako niyang tututukan ang matagal nang suliranin sa pagbaha, trapiko, urban poverty, kakulangan sa trabaho, at mabagal na pag-unlad sa ekonomiya ng lungsod.

“Lubos po ang aking pasasalamat sa rami ng nakiisa ngayong gabi,” ani Aguilar. “Ipinapakita ng ating pagkakaisa na gusto ng tao ng tunay na pagbabago. Sama-sama nating itatayo ang isang Las Piñas na maayos, maunlad, at maipagmamalaki ng bawat isa.”

Nagbigay rin si Aguilar ng malinaw na plano para sa modernisasyon ng flood control system, reporma sa waste management, at pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Muling kinondena ni Aguilar ang isinasagawang reclamation projects sa Manila Bay, na aniya’y maaaring magpalala ng pagbaha at magpaalis sa mga maralitang naninirahan sa baybayin ng Las Piñas at karatig-lungsod.

Kabilang sa kanyang plataporma ang pagtataguyod sa karapatan ng mga informal settler sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Community Mortgage Program (CMP), kung saan maaaring mabili at mapaunlad ng mga organisadong komunidad ang lupang kanilang tinitirhan sa abot-kayang hulugan. “Hindi natin papayagan ang demolisyon na walang dignidad,” ani Aguilar. “Ang pabahay ay dapat makatao, matatag, at nakaugat sa komunidad.”

Ipinangako rin ni Aguilar ang pagtatatag ng Local Pension Fund para sa halos 60,000 senior citizens ng lungsod. Kasama rin sa kanyang agenda ang pagpapalawak ng edukasyonal na scholarship, pagbibigay ng hazard pay sa mga frontline worker tulad ng mga basurero, at pagprayoridad sa mga taga-Las Piñas sa lokal na trabaho at hiring.

Nagbigay ng pahayag si Vice Mayor candidate Louie Bustamante na binigyang-diin ang integridad ng kanilang buong slate. “Kami ay grupo ng tunay na lingkod-bayan, hindi lang para sa eleksiyon kundi para sa serbisyong totoo,” aniya. “Naniniwala kaming kayang umangat ang Las Piñas sa bago at mas mahusay na pamumuno.”

“We are ready to build a city where no one is left behind,” pagtatapos ni Aguilar. “Isang lungsod na ligtas, malinis, may malasakit, at may pagkakaisa—isang Las Piñas na puwedeng ipagmalaki ng bawat isa.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …