Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacquiao

‘Knockout jab’ pinakawalan ni Pacquiao vs mga kritiko

BOKSINGERONG Obsessed na Bigyang Oportunidad (B.O.B.O.) ang mahihirap. 

Ito ‘knockout jab’ ni senatorial candidate Manny Pacquiao hindi bilang tugon sa mga batikos kundi isang mensaheng iangat ang mahihirap, maging tinig ng mga walang boses, at patunayan na kahit ang pinakakaraniwang Filipino ay maaaring magtagumpay sa kabila ng kahirapan at pagmamaliit.

“Hindi lang ito kampanya. Mensahe ito para sa bawat minamaliit na Filipino. Oo, tinawag akong bobo — pero ginawa kong sigaw ng laban ang panlalait na ‘yan.’”

Layunin ng pinakabagong mensahe ni Pacquiao na baguhin ang pananaw sa uri ng pamumuno na nararapat sa bansa.

Ipinapakilala niya ang isang uri ng politika na nakaugat hindi sa pinagmulan o pagiging perpekto, kundi sa kababaang-loob, pag-unlad, at mula sa puso.

Sa naturang video ay ipinakita ni Pacquiao ang  kanyang mga pagkukulang, ipinapakita niya na higit na mahalaga sa mga kredensiyal ay ang dedikasyon — ang araw-araw na pagsisikap na matuto, maglingkod, at makapaghatid ng resulta.

Sa pag-angkin ng terminong ‘bobo’ at pagbibigay ng bagong kahulugan, hinahamon niya ang maling kultura sa politikang Filipino at pinaninindigan ang dignidad ng karaniwang tao.

Nais din ipaabot ni Pacquiao ang kaniyang kuwento sa mga Filipino, na  ang batang kalye na umangat sa kahirapan, naabot ang  kasikatan, pero  hindi kailanman nakalimot sa kanyang pinagmulan.

Ang akronim na B.O.B.O. ay isang pahayag ng prinsipyo —sa likod ng boxing ay isang taong hindi naghahangad ng kapangyarihan, kundi obsessed na bigyang oportunidad ang mahihirap.

“Ginagawa ko lang laging inspirasyon ang panlalait. ‘Yun ang nagbibigay ng lakas sa akin para lalong ilaban at ibangon ang mga kababayan nating naghihirap. Huwag nating gantihan ng masama ‘yung naninira. Turuan natin sila nang tama. Magkaisa tayo sa isang prinsipyo: tulungan ang mga Filipino na ibangon ang sarili sa kahirapan. At ang gusto ko, si Manny Pacquiao ang maging inspirasyon nila na kaya nilang tumayo at lumaban sa pagsubok para umasenso,” pahayag ni Pacquiao.

Mula sa mga proyektong pabahay hanggang sa mga scholarship sa edukasyon at medical missions, ipinapakita ng kanyang track record ang tuloy-tuloy na pagsisikap na magbigay pabalik sa komunidad.

“Handa akong aminin na hindi ako perpekto. Marami pa akong kailangang matutuhan, pero bawat araw ay sinisikap kong pagbutihin,” aniya.

Naniniwala si Pqcquiao na ang kanyang tapat na pag-amin sa mga kahinaan ay nagpapakita ng kanyang pagiging totoo at nagpapalakas sa tiwala ng mga botanteng Filipino.

“Kung ako na dating wala, ay nakaya — kaya rin ng bawat Filipino.”

(Panoorin sa link ang video: https://www.facebook.com/MannyPacquiao/videos/1191352118846133/?rdid=CH1rRIId4sRRu63J# )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …