Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist, patuloy na isinusulong TUPAD Program ng DOLE para sa marginalized at vulnerable sectors

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang suporta nito sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng tulong at oportunidad sa mga sektor na nasa laylayan sa bansa sa pamamagitan ng emergency employment at skills training.

Kamakailan, isang inisyatiba, 15 babaeng persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Puerto Princesa City Jail ang sumailalim sa TUPAD training program.

Layunin ng programa na ihanda sila sa pagbabalik sa lipunan matapos ang kanilang pagkakakulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayang maaaring gamitin sa paghahanapbuhay. Isa ito sa mga hakbang ng gobyerno upang matiyak na walang maiiwang Filipino sa pag-angat at pagbangon ng bayan.

Ang TUPAD ay nagbibigay ng panandaliang trabaho at suporta sa kabuhayan para sa mga nawalan ng trabaho, kulang sa trabaho, pansamantalang manggagawa, at iba pang nangangailangang sektor.

Kadalasan, ang mga benepisaryo ay nakikibahagi sa mga proyektong nakabatay sa komunidad gaya ng clean-up drives, pagkukumpuni ng impraestruktura, at mga aktibidad na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan na tumatagal nang hanggang 30 araw.

Ayon sa TRABAHO Partylist, kabilang sa kanilang adbokasiya ang pagbibigay prayoridad sa mga sektor na kadalasang hindi napapansin sa mga oportunidad pang-ekonomiya, gaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty, solo parents, katutubo, matatanda, persons with disabilities (PWDs), at mga manggagawa sa impormal na sektor gaya ng mga nagtitinda sa kalsada at construction workers.

“Layunin naming lumikha ng marangal na trabaho para sa lahat ng Filipino, lalo sa mga nasa laylayan ng lipunan. Sa pamamagitan ng mga programang gaya ng TUPAD, hindi lamang sila nagkakaroon ng pansamantalang kita kundi nagkakaroon din sila ng panibagong pag-asa upang makabangon muli at makahanap ng trabaho o hanapbuhay,” pahayag ni Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Patuloy na isinusulong ng TRABAHO Partylist ang dagdag pondo at mas malawak na implementasyon ng TUPAD sa mga urban poor communities, liblib na barangay, at mga lugar na naapektohan ng kaguluhan o kalamidad.

Naninindigan ang grupo na ang tunay na pag-unlad ng ekonomiya ay makakamtan lamang kung ang mga oportunidad ay makararating sa mga pinakanangangailangan.

Habang patuloy na hinaharap ng bansa ang mga hamong pang-ekonomiya, nananatiling mahalaga ang pagtutulungan ng mga programa ng DOLE at mga kaalyadong mambabatas gaya ng TRABAHO Partylist sa pagbubuo ng isang inklusibo, matatag, at makatarungang puwersa ng paggawa. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …