Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juan Pinoy Partylist

Juan Pinoy Partylist: Tunay na serbisyo, abot-kamay na malasakit para sa mamamayan

SA PANAHONG marami pa rin Filipino ang hirap makakuha ng batayang serbisyo, tumitindig ang Juan Pinoy bilang pag-asa ng masa.

Itinatag noong 2016 bilang isang non-government organization (NGO), ang Juan Pinoy ay may layuning itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon.

Ngayon, sila ay kabilang sa mga opisyal na partylist na inaprobahan ng Commission on Elections, at handang magsilbi sa mas malawak na saklaw—lalo sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Mula Maynila hanggang Cebu at iba’t ibang lalawigan sa Luzon, dama ang epekto ng kanilang mga proyekto. Namahagi sila ng  libo-libong kagamitang medikal  tulad ng  wheelchair, nebulizer, blood pressure monitor, hearing aid, walker, at cane—lahat ito’y ibinibigay sa mga higit na nangangailangan.

Hindi lang kagamitan ang hatid nila. Nagbibigay rin sila ng libreng maintenance na gamot at bitamina, at   nakapagsanay na ng libo-libong Filipino sa iba’t ibang   programang pangkabuhayan.

Tuwing may sakuna, naroon agad ang Juan Pinoy—nagbibigay ng mainit na pagkain at agarang tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa paglahok nila sa partylist system, layunin nilang maging boses sa Kongreso para sa mga karaniwang Filipino — lalo sa mga komunidad na madalas ay hindi napapansin.

Ang serbisyong iniaalay ng Juan Pinoy ay tahimik ngunit epektibo, tapat at direkta sa mga nangangailangan. Sa lumalawak nilang presensiya, pinapatunayan nilang hindi kailangang maingay para maramdaman—ang kailangan lang ay taos-pusong malasakit.

Nais mo ba silang makilala o suportahan ang   kanilang adhikain? I-follow sila sa Facebook: Juan   Pinoy Partylist at sa TikTok:  @juanpinoy. Bisitahin ang kanilang tanggapan sa 314 C.M. Recto Avenue, Binondo, Maynila 1008.

Juan Pinoy Partylist — Para sa pag-angat ng Edukasyon, Kabuhayan at Kalusugan ng bawat Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …